^

PM Sports

Wong nagdagdag ng bronze sa Pinas

Mae Balbuena-Villena - Pang-masa
Wong nagdagdag ng bronze sa Pinas
JAKARTA-- Ipinakita ni Pinay wushu artist Agatha Wong ang kanyang nakamit na bronze medal.
Joey Mendoza

JAKARTA — Nagdeliber ang wushu artist na si Agatha Wong para sa Pilipi­nas sa ika­lawang araw ng aksiyon sa 18th Asian Games dito.

Dinagdagan ni Wong ang dalawang bronze ng Pinas kamakalawa mula sa men at women’s poomsae team  sa pamamagitan ng kanyang tansong me­dalya sa women’s tajiquan at tajijian all-around event.

Umiskor ng total na 19.42 ang 20-anyos na si Wong na sumapat para sa third place matapos mag­tala ng 9.68 sa taijiquan para makatabla sa third place noong Linggo at 9.68 din sa taijijian kaha­pon sa kompetisyong ginaganap sa Jakarta Convention Center kung saan idinadaos din ang iba pang mart­ial arts event.

Pinagsama ang taiji­quan at taijijian dito sa Asian Games imbes na hiwalay na event katulad sa Southeast Asian Games kung saan nanalo si Wong ng silver at gold sa Malaysia noong 2017.

“I just had no expecta­tions. I just wanted to do my best, and I think I did my best. I think that’s worth it na din,” sabi ni Wong na nakapagdeliber pa rin kahit may iniindang tendinitis at masakit na tuhod. “I was so nervous because I place fifth in the first discipline. I had to make sure of an im­pressive performance in the second discipline so I can have a chance.”

Nakopo ni Linds­well Lindswell ng host In­do­­nesia na umiskor ng 19.50 na personal na si­nak­sihan ni Indonesian Pre­sident Joko Widodo, ha­bang ang silver ay napunta naman kay Jua­nita Mok ng Hong Kong na umiskor ng 19.46.

Kasalukuyan pang lu­malaban ang RP Blu Girls, nanalo sa kanilang ope­ning game kontra sa Hong Kong 7–0, laban sa Korea habang sinusulat ang balitang ito sa GBK softball field.

Susundan ito ng laban ng tropa sa China sa alas-8 (9 p.m. Manila time) ka­gabi.

Sa JI Expo,  hanggang round-of-16 lamang uma­bot ang mga fencers na sina Maxine Esteban at Samantha Kyle Catan­dan sa women’s foil event, habang pang 11th la­mang si Ellen Rose Pe­rez sa 48 kg women’s division ng weightlifting.

On going pa ang laban ng isa pang weightlifter na si Nestor Colonia.

Sa shooting sa Jabakaring Sports City shoo­ting range, pumasok sa finals Pinoy bet Hagen To­pacio ma­tapos tumira ng 118 sa men’s trap event, ngunit nabigong pu­muwesto para sa me­dalya matapos malaglag sa No. 6.

Naitala naman ng RP Blu Girls ang ikalawang sunod na panalo matapos ang opening win sa Hong Kong 7–0 kama­kalawa ng gabi nang ka­nilang igu­po ang Korea, 5-3.

Nakatakda pa nilang labanan ang China kagabi sa GBK softball field.

Sa cycling, kapwa tumapos sina John Derrick Farr at Leah Belgira sa sixth place sa downhill event ng mountain bike com­petition kung saan wi­­nalis ng Indonesia ang lahat ng nakatayang mga me­dalya.

Walong segundo ang la­­yo ni Farr kay gold me­dal winner Khoiful Muk­hib (2:16.687), habang 22 segundo ang agwat ni Belgira kay Tiara Andini Prastika (2:33.056).

Nakatakdang sumabak sa cross country sina Aria­na Thea Patrice Dormitorio at Niño Surban.

vuukle comment

ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with