^

PM Sports

Red Lions at Pirates sa rematch

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magtatagpo ang nagdedepensang San Beda Red Lions at 2017 runner-up na Lyceum Pirates sa ka­nilang rematch sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Hawak ng Pirates ang 8-0 kartada, habang ka­su­nod naman ang Red Lions na may 6-0 record.

Kaya ang mananalo ay manatili sa solo top spot sa papalapit na pagtiklop ng first round.

Dalawang laro ng Red Lions ang nakansela da­hil sa bagyo noong nakaraang buwan at ito ay ipagpapatuloy matapos ang first round.

Haharapin ng Red Lions ang Pirates ngayong alas-4 ng hapon matapos ang laban ng Letran Knights at Mapua Cardinals sa alas-2.

Sa juniors’ division, maglalaban ang Red Cubs at Junior Pirates sa alas-12 ng tanghali matapos naman ang paghaharap ng Squires at Red Robins sa alas-10 ng umaga.

Kung mananalo ang Pirates sa Red Lions ay mauulit ang kanilang sweep sa first round noong nakalipas na season.

Ipagpapatuloy ng Pirates ang 18-game sweep sa double round elims, ngunit winalis din sila ng San Beda sa Finals ng 93rd season.

“It will be an exciting game for sure,” sabi ni San Beda coach Boyet Fernandez.

Sa ngayon ay nangunguna ang Pirates sa sco­ring sa kanilang 88.8 points average per game, habang ang Red Lions naman ay No. 1 sa depensa matapos limitahan ang mga kalaban sa 63.3 points average per outing.

 “It’s still a work in progress but its noticeably improving,” ayon kay Lyceum head coach Topex Robinson.

vuukle comment

NCAA BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with