^

PM Sports

Minotaur ginulat ang bayang karerista

Vince Nuguid - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling nakadehado si jockey CP Henson no­ong Biyernes sa pagkakapanalo ng Mi­­notaur sa huling karera sa Sta Ana Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Tinalo ng tambalan ang Oustanding Favorite na Pleasanton at siyam na iba pang kabayo kabilang ang Oakhill Princess, Ahala, Black Magic Woman, Lucky Girl at Stone Ladder.

Sa nasabing karera ay pumuwesto kaagad sa pang-anim na puwesto ang dehadong Minotaur pe­ro pagsapit sa rektahan ay unti-unting nakalapit sa banderang Only One hanggang sa manalo nang my limang kabayo.

Dahil sa panalo ng dehadong Minotaur ay gu­man­da ang mga dibidendo sa Extra Double, Dai­ly Double, DD+1, Forecast, Trifecta at maging sa mga Exotic Bets na Winner Take-All, Pick-6, Pick-5 at maging sa Pick-4 betting Option.

Sa Forecast palang ay nagbigay na ng dibidendong P1,807.50 sa nanalong kumbinasyon na 6-2, habang sa Trifecta ay nagbigay ng dibidendong P2,406.20 at ang Carry-Over o wala namang nakakuha sa Quartet, Penta at Super-Six Event.

Malaki rin ang ibi­nigay sa Daily Double Event dahil nagbigay ito ng dibidendong P605.50 sa kada isang ticket, habang ang Extra Double ay nagbigay ng P1,118 sa nanalong kumbinas­yon na 4-6.

Maging sa Daily Dou­ble Plus One ay na­pakalaki rin ng ibinigay dahil P3,178.60 ang bigayan na dibidendo sa mga nanalong kabayong Spring Singer, Umbrella Girl at Minotaur kaya hindi rin nakakagulat na P35,855.20 ang na­ging dibidendo sa Winner-Take-All.

Ang Pick-6 Event na­­man na may nanalong kumbinasyon na 12-5-7-4-1-6 ay nagbigay ng P9,709.20 kada isang ticket, habang mas mala­ki pa ang ibi­nigay sa Pick-4 dahil P12,194.20 pa ang ibinigay sa kada isang ticket na may kumbinasyon na 7-4-1-6.

vuukle comment

KARERISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with