^

PM Sports

Tigresses susubok sa Lady Falcons

Chris Co - Pang-masa
Tigresses susubok sa Lady Falcons
Niliparan ni Yankie Haruna ng Blazers sina Kraniel Villoria at Levi Dela Cruz ng Chiefs.
PM photo ni KJ Rosales

MANILA, Philippines – Masusubukan ang ba­­ngis at tibay ng Uni­versi­ty of Santo Tomas sa pag­harap sa wala pa ring ta­long Adamson Univer­sity sa Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Confe­rence ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Paglalabanan ng Tigresses at Lady Falcons ang top seeding sa Final Four sa kanilang bakba­kan sa alas-2 kasunod ang duwelo ng Far Eas­tern University Lady Ta­maraws at Uni­versity of the Philippines Lady Maroons sa alas-4.

Kasalukuyang namamayagpag ang UST sa unahan ng team stan­dings hawak ang malinis na 5-0 baraha.

At malaking dahilan nito ay sina high school standout Eya Laure, Filipino-Italian Milena Alessandrini at team captain Tin Francisco na pangunahing pinagku­kunan ng puntos ng Tigresses.

Ngunit tiyak na mapapalaban ang UST dahil mataas din ang moral ng Adamson na nagta­tag­lay ng imakuladang 4-0 para kapitan ang No. 2 position.

Ang La­­dy Falcons ay mamanduhan ni Eli So­­yud na ka­saluku­yang top scorer sa liga matapos makalikom ng 79 puntos sa apat na pagsa­lang.

Maliban kay Soyud, ha­hataw din para sa Adam­son sina Bernadette Flo­ra, Lea Ann Pe­rez, Tri­sha Genesis, Jane Igao at Chiara Per­men­til­la.

Armado rin ang Lady Falcons ng matikas na de­pensa partikular na sa floor defense na nasilayan sa kanilang mga na­kalipas na laro.

Sa kabilang banda, pa­rehong nagnanais ang Tamaraws at Lady Maroons na makalikom ng panalo para manatili sa Magic 4.

Kasalukuyang may 4-1 marka ang FEU, habang nakabuntot ang UP na may 3-2 baraha.

Sa men’s division, mag­papang-abot naman ang Na­tional University Bulldogs at Adamson Fal­cons sa alas-9 ng uma­­ga at ang FEU Ta­ma­raws at San Beda Red Spikers sa alas-11 at ang College of Saint Benilde Blazers at De La Salle University Green Archers sa alas-6 ng gabi.

Bitbit ng Bulldogs ang 5-1 baraha katapat ang Falcons na may 4-2 marka.

 

vuukle comment

LADY FALCONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with