^

PM Sports

Pirates sinalakay ang Knights

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalusutan ng Lyce­um Pirates ang Letran Knights, 87-82, upang mapanatili ang malinis na kartada sa 94th NCAA basketball tour­na­ment kahapon sa Fil­Oil Flying V Center sa San Juan City.

Binura ng 2017 runner-up na Pirates ang 11-point deficit, 63-74,  sa huling 6:46 ng fourth pe­riod sa pamamagitan ng mahigpit na depensa na naglimita sa Knights sa isang puntos lamang sa huling 2:50 minuto ng laro para masungkit ang pang-walong pana­lo.

Lamang pa ang Letran, 82-81, pero huma­taw sina CJ Perez, Jay­cee Marcelino, Jesper Ayaay at Reymar Ca­du­­­yac ng 7-1 run para ita­kas ang panalo bilang paghahanda sa muling pag­tatagpo sa nagdede­pen­sang San Beda Red Lions sa Martes.

Umani si Jesper Aya­ay ng 20 puntos at 4 rebounds, habang si Mike Nzeusseu ay tu­ma­pos ng 16 puntos at 10 rebounds at 16 puntos na may kasamang 6 boards mula sa reigning MVP CJ Perez.

Tumulong din ng anim na puntos si Caduyac kabilang na ang da­lawang free throws sa hu­ling 58 segundo para bawiin ang kalamangan, 82-81.

Umiskor si JP Calvo ng 18 puntos, siyam nito sa ikaapat na yugto, para pangunahan ang Knights, habang may 13 puntos si Bong Quinto pa­ra sa Letran.

Sa ibang laro, kahit wa­la si Clement Leutcheu ay nagwagi pa rin ang St. Benilde Bla­zers kontra sa Arellano Chiefs, 70-62, habang nasungkit na rin ng Jose Rizal Heavy Bombers ang ka­nilang unang panalo ma­tapos makaes­ka­po ng 57-55 panalo la­ban sa Emilio Aguinaldo Ge­ne­rals.

Dahil sa malaking pa­nalo ay umabante ang Blazers sa pang-apat na puwesto sa 5-3 kartada sa likuran ng nangungunang Pirates (8-0).

 

vuukle comment

PIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with