^

PM Sports

Go For Gold, Che’Lu agawan sa 2-1

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Parehong kakalas sa 1-1 tabla para makasikwat ng mahalagang 2-1 abante ang Che’Lu Bar and Grill at Go For Gold sa krusyal na Game Three ng kanilang 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Deve­lopmental League Foundation Cup best-of-five Finals ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magaganap ang harapan sa alas-5 ng hapon kung saan ang magwawagi ay makakalapit ng isang hakbang tungo sa asam na kampeonato ng semi-pro league sa bansa.

Matapos matalo sa Game One, tinambakan ng Scratchers ang Revellers, 105-81 sa Game Two para makatabla sa 1-1 at putulin ang serye sa best-of-three duel na lamang.

Iyon ang planong sundan ng Go For Gold ngayon sa pangunguna ng top Most Valuable Player contender na si Gab Banal na naghalimaw sa pagbawi nila noong Game 2 matapos ang dikit na 96-100 kabiguan sa Game One noong nakaraang Huwebes.

Pumukol ng pitong tres si Banal tungo sa 33 puntos, anim na rebounds at apat na assists upang pangunahan ang atake ng Scratchers, habang nakakuha naman siya ng suporta mula kina Kris Porter at Ron Dennison na may 16 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa kabilang banda, gutom na Jeff Viernes naman ang inaasahang magpapakita sa Game Three para sa asam na 2-1 abante ng Revellers.

Isa ring kandidato sa MVP, naposasan si Viernes sa 13 puntos lamang na siyang lubusang ininda ng Che’Lu sa masakit na 24-puntos na kabiguan.

Ngunit bukod sa mahalagang panalo na magtutulak sa alinmang koponan palapit sa kampeonato, malalaman din ngayong Game 3 kung sino ba talaga kina Banal at Viernes ang tatanghaling hari ng Foundation Cup.

Nagrerehistro ng 18.8 puntos, 4.5 rebounds, 4.7 assists at 2.0 steals sa buong komperensya, paborito ang dating Phoenix at Globalport guard na si Jeff Viernes ng Che’Lu para sa MVP award.

Ngunit malaki din ang tsansa ni Banal ng Go For Gold bunsod ng average na 14.8 puntos, 9.4 rebounds, 4.4 assists at 1.8 steals bukod pa nga sa 33 puntos na inilist sa mahalagang Game 2.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with