Sina promoter Bob Arum at Manny Pacquiao sa isang event.
Arum ‘nililigawan’ si Manny Pacquiao pabalik sa Top Rank
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang araw lamang ang itinagal ni Bob Arum ng Top Rank Promotions at kaagad bumalik ng Uni­ted States kahapon.

Dumating si Arum ka­sama si Top Rank pre­sident Todd duBoef sa General Santos City no­ong Biyernes ng umaga sa­kay ng isang private jet pa­ra makipag-usap kay Manny Pacquiao.

“Nag-usap lang about sa plano or wala pa namang na-finalize,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN. “Wala pa, nag-uusap pa kami, nag-uusap kami.”

Matapos ang kanyang unanimous decision loss kay Jeff Horn noong Hul­yo ng 2017 sa Brisbane, Australia ay nagwakas na rin ang promotional con­tract ni Pacquiao kay Arum.

Sa nasabing laban ay hi­nubad ni Horn ang suot na World Boxing Organization welterweright belt sa ulo ni Pacquiao.

Kaya nang labanan si Lucas Matthysse ng Argentina noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia ay ang kanyang sa­riling MP Promotions ang namahala.

Tinalo ng 39-anyos na si Pacquiao ang 25-anyos na si Matthysse via se­venth-round stoppage para agawin sa Argentine ang suot nitong World Bo­xing Association wel­ter­weight crown.

Balak ng Filipino world eight-division tit­list na muling lu­maban sa Disyembre 2.

Ang nasabing pagbi­si­ta ni Arum kay Pacquiao ay ma­aa­ring senyales ng pag-a­alok ng veteran pro­mo­ter sa kanyang mga bok­si­ngero sa Top Rank Pro­­mo­tions para labanan ni ‘Pacman’.

Kabilang sa mga ma­aaring labanan ni Pacquiao mula sa Top Rank ay sina Terence Crawford at Vasyl Lomachenko.

Kamakailan ay nagparamdam si dating Bri­tish world titlist Amir Khan ng kahandaang labanan si Pacquiao na dati  niyang sparmate sa ilalim ni chief trainer Freddie Roach.

Si Roach ay inilaglag ni Pacquiao at hinirang ang kababatang si Buboy Fernandez bilang bagong lead trainer sa kanyang laban kay Matthysse.

Wala pang pahayag si Pacquiao kung sino ang susunod niyang hahara­pin sa Disyembre 2.

 

BOB ARUM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with