Pride Of Laguna angat sa laban
Vince Nuguid (Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Angat sa laban ang kabayong Pride of Laguna na sasakyan ni jockey Jonathan Juco sa Race 1 ng karerang magaganap sa pista ng Sta Ana Park Saddle and Clubs sa Naic, Cavite.

Galing sa magandang panalo ang nasabing tambalan nang talunin nila ang Hopeful Stakes Winner na Talitha Koum at Tapster noong July 21 sa parehas na pista at nanalo ng mahigit pitong kabayo at gumawa ng impresibong prueba na 1:11 sa 1200m.

Nanalo rin ang nasabing tambalan noong June 30 sa pista pa rin ng Sta Ana at tinalo ng mahigit sa walong katawan ang mga kabayong Hot to Trot, Punisher, Fort Mckinley at Kid Baloloy.

Siguradong marami sa bayang karerista ang sosolo sa kabayong Pride of Laguna sa kanilang Pick-5 at totodo sa Trifecta, Quartet, Pentafecta, Daily Double Plus One at Extra Double Betting Options.

Nakalalamang din ang tambalan ng kabayong Rochelle at jockey RA Base sa Race 5 ng Group Race (7) na lalahukan ng anim na iba pang kabayo na tatakbo sa 1,300m na distansya.

Makakalaban nito ang mga kabayong Dimakya Island ni Jockey JB Guerra, June Eleven ni Dan Camañero, Ava Natalia ni Joa Guce, Terry Ball ni VM Camañero, Sheer Delight ni CS Pare at Wings in my Feet na sasakyan naman ni jockey PJA Guce.

Nakakalamang ang tambalan Rochelle at RA Base dahil nanalo na ito noong July 22 sa parehas na pista sa distansyang 1,300m at tinalo na nito ang makakalaban ngayon na kabayong Wings In My Feet at isa pang magaling na kabayong Low Key.

Paratingan sa 1st Pick-5 Event ito natapat kaya dalawang karera na kaagad ang puwedeng solohin sa nasabing event at puwede na ring solohin ang kabayong Rochelle sa Winner Take-All, Pick-6, 2nd Pick-5 at Pick-4 ngayon araw.

PRIDE OF LAGUNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with