Manny Pacquiao
Pacquiao gustong i-promote ng Matchroom Promotions
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inamin ni Manny Pacquiao na nahirapan siyang kumilos bilang boksingero at promoter ng kanyang MP Promotions sa nakaraang laban niya kay Lucas Matthysse ng Argentina.

Kahapon ay kinumpirma ni Eddie Hearn ng Matchroom Promotions ang kanyang pakikipag-usap kay Pacquiao para maging promoter ng Filipino boxing superstar.

“I think Manny Pacquiao is a huge name,” wika ni Hearn sa panayam ng Sporting News. “He’s undoubtedly towards the end of his career, but still a huge name. We’re talking with him.”

Matapos ang unanimous decision loss kay Australian Jeff Horn noong Hulyo ng 2007 ay nagwakas na ang promotional contract ni Pacquiao kay Bob Arum ng Top Rank Promotions.

Sa seventh-round TKO victory ni Pacquiao laban kay Matthysse noong Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia ay ang kanyang MP Promotions ang hu-mawak sa boxing card.

Wala nang balak ang 39-anyos na si Pacquiao, inagawan si Matthysse ng hawak nitong World Boxing Association welterweight crown, na lumaban sa United States dahil sa malaking ikinakaltas sa kanya sa buwis.

“He wants an awful lot of money as you would expect Manny Pacquiao to want and the right fights have to be there,” wika ni Hearn. “I think one of his main interests is to fight outside of the U.S. That doesn’t fit as well for us, away from DAZN (live sports streaming service).”

“But there are fights – Amir Khan, Jessie Vargas, Kell Brook – that we could certainly put on. We’re talking with Manny Pacquiao. Whether it goes anywhere, we’ll see. But we’re certainly interested to continue those talks,” dagdag pa nito.

Plano ni Pacquiao na muling umakyat sa boxing ring sa Disyembre 2.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with