‘Di para sa Beermen ang Comm. Cup
(Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hindi araw-araw ay Pasko.

Iyan ang napatunayan ng dati ay halos hindi matalo-talong San Miguel matapos malasap ang unang kabiguan sa loob ng tatlong kalahating taon nang yumukod sa Barangay Ginebra sa katatapos lang na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Ito ang unang pagkatalo ng Beermen sa pitong salang sa Finals buhat nang hawakan ni head coach Leo Austria noong 2014.

“We’re not perfect eh. You win some, you lose some,” ani Austria na bumagsak na ngayon sa 6-1 ang PBA Finals record.

“It’s hard to maintain being on top of the mountain. Sooner or later, babagyuhin ka at babagsak ka rin.”

Ngunit para kay Austria, nakinita niya na ang naturang pagbagsak na ito ng Beermen buhat nang maging head coach ng Gin Kings ang tinaguriang ‘greatest coach of all time’ na si Tim Cone.

Ito ay sa kabila ng panalo nina Austria at ng Beermen kontra kay Cone at Gin Kings noong 2017 PBA Philippine Cup.

“Eversince Tim coached Ginebra. I know that this time will come,” dagdag niya.

At ngayong dumating na nga ang takdang panahon, nangangamba si Austria na maaaring hindi pa ito ang maging huling pagkakataon na babagsak ang Beermen sa kamay ng Gin Kings lalo’t patunay ang Commissioner’s Cup result na paangat na ang Ginebra bilang susunod na super team.

“Pound for pound, they could match with our personnel. They are really a threat. They are emerging as the team to watch and the powerhouse team.”

Pareho ang naging sentiment ni June Mar Fajardo na bigong maparisan ng kampeonato ang kanyang tagumpay bilang Best Player of the Conference ng Commissioner’s Cup.

“Hindi mo naman maipapanalo ang lahat pero andun ‘yung chances eh. Sayang. Bawi nalang kami next conference, marami pa kaming basketball na ilalaro,” aniya.

Bunsod nito, nanawagan sina Austria at Fajardo sa mga kasamahan na magsilbi sana itong wake-up call para sa kanilang hangarin na pag-angat ulit sa kampeonato.

“It could be a wake-up call for us. Alisin namin yung paniniwala na nababasa’t naririnig namin na we’re a superteam. We have to go the basics, the fundamentals of basketball,” ani Austria.

Para kay Fajardo, dahilan din ang pagkatalo na ito upang magpalakas ang Beermen dahil ang lahat ng koponan lalo na ang Ginebra ay patuloy ang pagpapalakas upang abutan sa tuktok ang San Miguel.

“Target ka ng ibang teams, nagpapalakas sila. Dapat din magpalakas kami. Di kami puwedeng magpakampante. Next conference, subukan na-ming bumawi sa Finals,” pagtatapos niya.

JUNE MAR FAJARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with