Tigresses asam ang semis slot
Chris Co (Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Target ng University of Santo Tomas na sakmalin ang unang tiket sa semis sa pagharap nito sa College of Saint Benilde ngayong hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Mabangis ang simula ng Tigresses na umarangkada sa apat na sunod na panalo kabilang ang pana-naig sa University of the Philippines sa kanilang hu-ling laro noong nakaraang linggo.

Ngunit naghahanda ang UST sa malakas na puwersa laban sa determinadong Benilde sa kanilang bakbakan sa alas-4 ng hapon.

Bumabandera sa atake ng Tigresses sina high school standout Eya Laure at Filipino-Italian Milena Alessandrini kasama sina team captain Tin Francisco, Kecelyn Galdones, Jamie Jimenez, Carla Sandoval at setter Alina Bicar.

Ang UST ang nangunguna sa spiking department tangan ang 33.88 percent success rate habang No. 2 ang Benilde sa blocking matapos makapaglista ng average na 2.54 blocks kada laro.

Ipaparada naman ng Lady Blazers sina Anne Umali at Marites Pablo na nasa Top 5 sa blocking kasama sina playmaker Jewel Lai, Pauline Cardiente, Jan Arianne Daguil at Klarisa Abriam.

Mataas ang moral ng Benilde matapos gapiin ang NCAA Season 93 runner-up San Beda University sa kanilang huling laro para umangat sa 1-2 marka.

Magtutuos naman sa unang duwelo sa alas-2 ang San Beda (0-3) at San Sebastian College-Recoletos (0-4) na parehong naghahangad na makopo ang unang panalo.

Sa men’s division, lalarga ang salpukan ng UST (4-0) at Adamson University (4-1) sa alas-9 ng umaga kasunod ang engkuwentro ng University of the Philippines (2-2) at University of Perpetual Help System Dalta (1-4) sa alas-11 at ng Arellano University (0-4) verus Benilde (2-2) sa alas-6 ng gabi.

TIGRESSES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with