Kai Sotto
Sotto-EDU Future ng Pinas
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - August 11, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Magretiro man ang mga kasalukuyang higante ng bansa na sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, Japeth Aguilar, Christian Standhardinger, Raymond Almazan at maging ang naturalized import na si Andray Blatche, hindi pupulutin sa kangkungan ang Pilipinas.

Sa katunayan, nasa mabuting kamay ito at maaaring mas maganda pa nga ang kinabukasang nakaabang dahil sa presensya ng twin-towers na sina Kai Sotto at AJ Edu.

Papaangat pa lang sa kanilang basketball career, malayo na ang narating ng dalawa matapos ngang buhatin sa 2019 International Basketball Federation (FIBA) Under-19 World Cup ang Batang Gilas bunsod ng ma-laking tagumpay kontra sa Bahrain, 67-52 sa quarterfinals ng idinaraos na 2018 FIBA U-18 Asian Championship sa Nonthaburi, Thailand.

Kahit ano pa man ang maging resulta ng semis match ng Batang Gilas kontra sa Australia na ginaganap pa lamang habang isinusulat ang balitang ito kagabi, pasok na sa World Cup ang Pinas base sa format ng U18 Asian Championship kung saan ang top four teams ang siyang mabibiyaan ng slot.

May taas na 7’1 at 6’10, ayon sa pagkakasunod, pinatunayan nina Sotto at Edu na isa sila sa pinakamagaling na manlalaro hindi lamang ng bansa kundi sa buong Asya.

Nagrerehistro si Sotto ng 14.5 puntos, 9.0 rebounds at 2.0 na tapal kada-laro habang si Edu naman ay may solidong 15.5 puntos, 12.8 rebounds at 3.3 na supalpal per game upang pangunahan ang wala pang talong Batang Gilas.

Magugunitang bahagi rin ng 23 for 2023 FIBA World Cup pool ang dalawa kasama pa ang ibang mga kabataang Pinoy na naatasang magbandera ng bandila ng Pilipinas sa pagho-host ng bansa sa inaabangang FIBA World Cup dito sa 2023.

Anim na taon bago dumating ang panahong iyon, inaasahan na pagsapit ng 2023 ay siguradong hinog na ang dalawang higante ng bansa na sina Sotto at Edu.

Bagama’t malayung-malayo pa ang kanilang tatahakin bilang 16 at 18-anyos pa lamang, ayon sa pagkakasunod, nasa tamang ruta sina Sotto at Edu at pasasaan pa’t mararating din ang destinasyon kung saan nga sila na ang siyang magtataas pang lalo sa Pilipinas pagdating sa world basketball.

Sa ngayon, patuloy muna ang paghahanda ng da-lawa at pagsasanay sa kanilang sarili kontra naman sa pinakamagagaling na youth basketball team sa Asya na sa kauna-unahang pagkakataon ay nanliit sa height ng Pilipinas bunsod ng presensya ng naturang dalawang higante.

Ang kagandahan pa dito, hindi nag-iisa sina Sotto at Edu dahil makakasama nila ang iba pang kabataang higante ng bansa na si 6’8 Geo Chiu gayundin sina Carl Tamayo at Raven Cortez na parehong 6’7.

Tunay ngang maliwanag ang bukas para sa Philippine basketball at madilim naman para sa mga karibal nito bunsod ng mga higanteng magiging balakid sa kanilang daan tungo sa Asian supremacy.

KAI SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with