Altas kumapit sa 4th
Francisco Cagape (Pang-masa) - August 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-ambag ng kabuuang 40 puntos sina Prince Eze at Edgar Charcos para iangat ang Perpetual Help Altas sa 78-76 panalo laban sa San Sebastian Stags kahapon sa pagpapatuloy ng “NCAA on Tour” ng 94th NCAA basketball tournament sa UPHSD Gym sa Las Piñas City.

Pero ang Nigerian import na si Prince Eze ang tumatayong bayani sa laro matapos maipasok ang game-winning basket para masungkit ang ikatlong panalo sa limang laro at manatili sa ika-apat na puwesto sa standings.

Tumapos si Eze ng 22 puntos, 18 rebounds at anim na blocks habang ang rookie na si Charcos ay umani ng 18 puntos, limang rebounds, tatlong steals at dalawang assists para sa tropa ni coach Frankie Lim.       

Dahil sa talo, ang San Sebastian Stags ni coach Egay Macaraya ay bumagsak na naman sa 3-5 win-loss kartada.

“I would really go to Prince for that last shot. It was a tip-in, not the prettiest shot but he made it. Beggars can’t be choosy. We were down by 21 points in the first half and you win by two points, it’s a great win for us,” sabi ni Perpetual Help coach Frankie Lim.

Pinangunahan ni Allyn Bulanadi ang Stags sa kanyang 21 puntos at 19 naman mula kay Danny Capobres.

Samantala, target ng nagdedepensang San Beda Red Lions (4-0) ang pang-limang sunod na panalo sa pagharap sa pumapangatlong Letran Knights (4-1) sa alas-4 ng hapon sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Hangad naman ng Emilio Aguinaldo Generals (1-4) ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtagpo sa Mapua Cardinals (2-4) sa alas-12 ng tanghali habang asam din ng Arellano Chiefs na bumalik sa winning form sa pakikipagtuos sa Jose Rizal Heavy Bombers sa alas-2 ng hapon.

Sa Juniors’ division, magtatagpo ang EAC Brigadiers at Mapua Red Robins sa alas-8 ng umaga na susundan ng laban ng JRU Light Bombers at Arellano Braves sa alas-10. Sa huling laro, maglalaban ang San Beda Red Cubs at Letran Squires sa alas-6 ng gabi.

NCAA BASKETBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with