Jaja Santiago sigurado nang lalaro sa Japan
Jaja Santiago
Jaja Santiago sigurado nang lalaro sa Japan
Chris Co (Pang-masa) - August 3, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpirmado na ang koponang lalaruan ni versatile spiker Jaja Santiago sa Saitama Division 1 ng Japanese Volleyball Premier League na nakatakdang magsimula sa Oktubre 28.

Masisilayan sa aksiyon si Santiago sa Ageo Medics na koponang naglalayong mapaganda ang kanilang seventh-place finish noong 2017-2018 season.

Umaasa ang pamunuan ng Ageo Medics na ma-kababalik ang tropa sa winning tradition nito katuwang si Santiago na kayang maglaro sa tatlong magkakaibang posisyon – middle blocker, opposite hitter at outside spiker.

Dalawang beses nang nagkampeon ang Ageo Medics – noong 2010-2011 at 2012-2013 seasons – habang runner-up ito noong 2009-2010, 2011-2012 at 2013-2014.

Makakahanay na ni Santiago ang ilang world-class players na naging import ng Ageo Medics gaya nina Valentina Fiorin ng Italy at Nancy Metcalf ng Amerika na parehong miyembro ng kani-kaniyang national team na naglaro sa Olympic Games, World Championships at World Grand Prix.

Bago tumulak sa Japan, nakatakda munang lumaro si Santiago sa 2018 Asian Games sa Indonesia at Asian Cup sa Thailand.

Bahagi ang 6-foot-5 na dating National University standout ng Foton Tornadoes na nagkampeon ng dala-wang beses sa Philippine Superliga Grand Prix (2015 at 2016).

Itinanghal din itong MVP noong 2016 PSL Grand Prix, UAAP Season 80 at 2017 PVL Collegiate Conference.

Si Santiago ang kauna-unahang Pinay volleyball player na makapaglalaro sa naturang professional league sa Japan.

Hindi lang si Santiago ang darayo sa Japan dahil nakatakda ring lumaro si five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo para sa Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japanese V1 League.

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with