Gin Kings itatagay ang 2-0 lead
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 29, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa pagmasaker ng Barangay Ginebra sa game One ay inaasahan ni head coach Tim Cone na babalikan sila ng nagdedepensang San Mi­guel.

“They’re gonna come back big time in Game Two,” sabi ni Cone ma­tapos ang 127-99 pag­lampaso ng Gin Kings sa Beermen sa Game One ng 2018 PBA Commis­sio­ner’s Cup noong Bi­yer­nes. “They’re a vete­ran team. They’ve been to tougher games.”

Magsasagupa ang Gi­nebra at San Miguel nga­yong alas-6:30 ng gabi sa Game Two ng kanilang best-of-seven championship series sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Sa nasabing panalo sa series opener ay kuma­mada si resident import Justin Brownlee ng game-high na 42 points bu­kod pa sa 9 assists at 7 rebounds para sa 1-0 ben­tahe ng Gin Kings sa ka­nilang serye ng Beermen.

Nag-ambag si veteran forward Joe Devance ng 20 markers kasunod ang tig-11 points nina seven-foot center Greg Slaughter at one-time PBA MVP Mark Caguioa para sa Ginebra.

“I’m never afraid to put Mark in the game because he’s always gonna come out and be aggressive. And he’s gonna come out and he’s gonna look for his shot, and he’s gonna make the defense play him,” ani Cone sa 38-anyos na si Caguioa na ha­ngad ang kanyang pang-pitong PBA title sa­pul noong 2001.

Pinamunuan naman ni reinforcement Renal­do Balkman ang San Mi­guel mula sa kanyang 27 points at 13 boards, ha­bang nagtala si 6’8 Fil-German Christian Standhardinger ng 26 markers.

Epektibong nalimita­han ni Slaughter si four-time PBA MVP June Mar Fajardo sa 13 points.

Tiniyak ni mentor Leo Austria na gagawa sila ng adjustment sa Game Two para maitabla ang serye.

“We have to move for­ward. We have to adjust next game,” wika ng 60-anyos na si Austria, may perpektong 6-of-6 re­­cord sa PBA Finals, sa mga Beermen.

“We’re expecting a real forceful game from them in Game Two, that’s for sure,” sagot naman ng 60-an­yos na si Cone.

 

GIN KINGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with