^

PM Sports

Finals target ng Kings

Russell Cadayona - Pang-masa
Finals target ng Kings
Iniwanan ni San Miguel import Renaldo Balkman si Diamon Simpson ng Alaska para sa kanyang layup.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Natulala si two-time PBA Grand Slam coach Tim Cone ng Barangay Ginebra nang makadikit ang Rain or Shine sa 72-74 agwat sa huling 9.8 segundo ng fourth period sa Game Three noong Sa­bado.

Ikinadismaya ni Cone ang pagpapabaya ng Gin Kings sa itinayong 25-point lead, 46-21, sa se­cond quarter at ang double-digit advantage sa hu­ling tatlong minuto ng final canto laban sa Elasto Painters.

“That’s something we have to talk about, pre­pare for because we didn’t respond well,” wi­ka ni Cone.

Ang split ni LA Tenorio ang nagbigay sa Ginebra ng 75-72 abante para talunin ang Rain or Shine at angkinin ang 2-1 ben­ta­he sa kanilang best-of-five semifinals series.

Pipilitin ng Gin Kings na tuluyan nang angkinin ang silya sa PBA Finals sa pagsagupa sa Elasto Pain­ters ngayong alas-7 ng gabi sa 2018 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sakaling manalo ang Ginebra ay maglalaro sila sa pang-25 PBA Finals, habang kung makakatab­la ang Rain or Shine ay gagawin ang Game Five sa Miyerkules sa Big Dome.

“We have to find a way to start better to keep us in the game earlier to have a chance,” sabi ni mentor Caloy Garcia sa kanyang mga Elasto Pain­ters.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with