^

PM Sports

Calvo hinirang na NCAA Player of the Week

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakuha ng beteranong si JP Calvo ng Letran Knights ang Chooks to Go-NCAA Press Corps Player of the Week honor sa ikalawang linggo ng NCAA Season 94.

Si Calvo ang nangu­na sa 83-76 panalo ng Knights laban sa San Se­bastian Stags noong Bi­yernes.

Nagposte si Calvo ng 16 puntos mula sa 6-of-11 shooting para pa­munuan ang opensa ng Letran na ngayon ay may 1-1 kartada.

Natalo ang Knights sa Perpetual Help Altas, 75-78, noong Hulyo 13.

“Kasi ang maganda lang dito nagtutulungan kami.  Tinutulungan din nila ako kung paano ko sila dalhin,” ani Calvo.

Para naman kay Letran coach Jeff Napa, pi­natunayan din ni Calvo bilang lider ng koponan.

“Kinausap ko ‘yung dalawang veterans ko, si Bong Quinto at JP (Calvo). Ipinakita ko sa ka­nila ‘yung bigger picture. Iyong teammates ni­la sumunod naman sila. Sa dulo, sila ‘yung kakapitan ko,” pahayag ni Napa.

Ang ibang pinagpi­li­an para sa nasabing weekly honor ay sina Let­ran teammate  Quinto, Ian Alban, Levi Dela Cruz ng Arellano University Chiefs at Yankie Haruna ng College St. Be­nilde Blazers.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with