^

PM Sports

San Juan pinatumba ang Caloocan

Pang-masa

CEBU, Philippines — Tinakasan ng San Juan Knights ang Caloo­can, 81-77, para manatiling lider sa MPBL Datu Cup kamakalawa ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Ito ang ikaapat na su­nod na panalo ng Knights, nakahugot kay Larry Rodriguez ng 15 points at 11 rebounds, ha­bang nag-ambag si Samboy de Leon ng 12 markers.

Pinatumba naman ng Valenzuela Classic ang inaugural champion na Batangas City Athletics-Tanduay, 78-66, sa isa pang laro.

Ito ang unang pana­lo ng Classic kontra sa Athletics sa kanilang li­mang beses na paghaha­rap.

Sa nakaraang season ay winalis ng Batangas City ang Valenzuela papasok sa championship round.

“We tried to be quick, be more active on de­fense. We thought of no­thing except Batangas City for the past eight days. Beating those guys was a remarkable feeling,” sabi ni Valenzuela coach Chris Gavina.

Umiskor si Chris de Cha­vez ng 22 points para pangunahan  ang Clas­sic, ginamit ang de­pensa para mapuwersa ang Athletics sa 22-of-68 fieldgoal shooting.

Pinamunuan ni Bong Galanza ang Batangas City mula sa kanyang 12 points, habang nalimita­han si Jhaymo Eguilos sa 8 markers.

Naging malamya ang outside shooting ng Athletics kung saan nagtala si guard Lester Alvarez ng 1-of-7 clip.

vuukle comment

MPBL DATU CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with