^

PM Sports

Go for Gold gusto ng magandang puwesto sa semis

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pasok na sa semifinal round ang Go For Gold at Marinerong Pilipino-Technological Institute of the Philippines, ngunit ha­ngad pa rin nila ang panalo para makapuwesto ng mas maganda sa 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hawak ang 6-2 kartada, asam ng Go For Gold na makasalong muli sa tuktok ang lider na Che’Lu, habang tangka na­man ng Marinero na ma­katabla sa segunda puwesto.

Iyon ang dahilan kung bakit inaasahang magi­ging mainit ang laban ng dalawang koponan sa ma­halaga nilang banggan ngayong ala-1 ng hapon.

Sasandal ang Scrat­chers sa kanilang mala­king 75-60 pa­nalo kontra sa Centro Escolar Univer­sity noong nakaraang Lu­nes kung saan binande­rahan sila ng bagong man­lalaro na  si Rey Pub­lico na nagtala ng 18 puntos at 11 rebounds.

Sinagip ni Publico ang kulang-kulang na line-up ng Go For Gold bun­sod ng pansamanta­lang pagliban ni Gab Ba­nal (family reason) ga­yundin nina James Mar­tinez, Jerwin Gaco at Ron Dennison dahil sa injuries.

Sa inaasahang pagba­balik ng mga naturang man­lalaro ay pinapaborang manaig ang Scrat­chers sa tulong din ng isa pang pambato na si Matt Salem.

Sa kasamaang palad, wala na sa kampo ng Go For Gold ang collegiate star na si Paul Deside­rio dahil sa pagbabalik ni­to sa training camp ng University of the Philippines para sa papalapit na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81.

Ngunit hindi basta-basta yuyukod ang Engi­neers na kasalukuyang na­kasakay sa three-game winning streak at ang pi­nakabago rito ay ang 80-74 panalo sa sibak nang Batangas-Emilio Agui­­naldo College.

Matapos ang kumpletong 20 puntos, anim na rebounds at four steals kontra sa Generals ay na­a­ta­sang trangkuhan ni Fi­lipino-American Trevis Jackson ang atake ng Engineers kasama sina Abu Tratter at Robbie Ma­na­lang.

Samantala sa isa pang laro sa alas-3 ng hapon ay susubok namang ma­pa­ganda ng mga tanggal nang koponan na AMA Online Education (0-9) at Batangas-EAC (3-6) ang kanilang mga baraha papalapit sa dulo ng elimination round ng nasabing torneo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with