^

PM Sports

Isa pang Saludar susubok sa WBO flyweight crown

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Matapos ang kanyang kapatid na si Vic Saludar ay si Froilan naman ang magtatangkang maging isang lehitimong world bo­xing champion.

Sumasakay sa isang five-fight winning streak, nakatakdang hamunin ni Saludar si Japanese world flyweight titlist Sho Kimura sa Hulyo 27 sa Qingdao, China.

Hangad ni Saludar (28-2-1, 19 KOs) na ma­agaw kay Kimura (16-1-2, 9 KOs) ang suot nitong World Boxing Organization flyweight crown.

Nauna nang tinalo ng kanyang nakababatang ka­patid na si Vic Saludar (18-3-0, 10 knockouts) si Ryuya Yamanaka (16-3-0, 5 KOs) via unanimous decision para hubarin sa Ja-panese ang hawak nitong WBO minimumweight title noong nakaraang ling­go sa Kobe, Japan.

Samantala, matapos ma­talo kay Takuma Inoue ng Japan noong 2016 ay limang sunod na panalo na  ang itinala ni Froilan para maupo sa No. 4 sa WBO flyweight rankings.

Gumawa naman ng pa­ngalan ang 29-anyos ding si Kimura matapos agawin kay Chinese bo­xing star Zou Shiming ang bitbit nitong WBO flyweight belt via 11th round TKO noong 2017 sa Shanghai, China.

Matagumpay na nai­de­pensa ni Kimura ang kan­­yang korona noong Dis­­yembre nang umiskor ng ninth-round TKO win laban sa kababayang si To­shiyuki Igarashi sa Tok­yo, Japan.

 

vuukle comment

WBO FLYWEIGHT CROWN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with