Japanese cager kinuha ng Grizzlies
MEMPHIS, Tennessee — Pinapirma ng Grizzlies si Japanese forward Yuta Watanabe sa isang two-way contract at binitawan si guard/forward Myke Henry.
Ang 23-anyos na si Watanabe at ipinanganak sa Japan at nanirahan at nag-aral sa United States noong 2013 kung saan siya naglaro para sa George Washington.
Matapos maging undrafted noong 2018 NBA Draft ay nagtala ang 6-foot-9 na si Watanabe ng mga averages na 9.4 points, 4.2 rebounds at 1.6 blocks sa limang laro sa Brooklyn Nets’ summer league team sa Las Vegas.
Naglaro naman ang 6’6 na si Henry sa 20 games para sa Memphis sa nakaraang season matapos lumagda ng isang two-way contract noong Enero 13.
Tumipa si Henry ng mga averages na 5.4 points at 1.9 rebounds.
- Latest