^

PM Sports

Semis cast kinumpleto ng Che’Lu

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kumpleto na ang semi-final cast ng 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Deve-lopmental League Foundation Cup.

Ito ay matapos pormal na sibakin ng Che’Lu Bar and Grill sa kontensyon ang Batangas-Emilio Aguinaldo College, 100-93 sa pagpapatuloy ng naturang torneo kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa likod ng lider na si Jeff Viernes ay pinagpag ng Revellers ang makulit na Gene-rals upang higpitan ang kapit sa liderato hawak ang 7-2 kartada.

Nagtapos si Viernes ng 19 puntos, walong assist at limang rebounds para sa Che’Lu na napa-lakas din ang pag-asang masikwat ang isa sa twice-to-beat incentives sa semifinals.

Ngunit higit sa Che’Lu ay mas nakinabang ang Marinerong Pilipino (5-3) at Centro Escolar University (5-4) naturang pagkatalo ng Generals dahil naselyuhan na nila ang puwesto sa Final Four.

Sinamahan nila ang Revellers gayundin ang segundang Go For Gold (6-2) sa semifinals ngunit hahangad pa rin ng mga panalo sa huling bahagi ng torneo para sa magandang playoff position.

Nagdagdag din ng 19 at 18 puntos sina Stephen Siruma at Jessie Collado para sa Revellers na sabik makabawi ngayong Foundation Cup matapos magkasya lamang sa runner-up finish sa likod ng Zark’s Burgers noong Aspirants’ Cup.

Sa kabilang banda ay nauwi naman sa wala ang 19 puntos ni Cedric De Joya para sa Generals na nahulog sa 3-5  baraha upang tuluyang magtapos ang kampanya nito sa Foundation Cup.

Samantala sa unang laro ay sinipit ng Scor-pions ang kulelat at wala pa ring panalong AMA Online Education, 82-71.

Umangat sa 5-4 ang kartada ng CEU upang makasiguro ng Final Four ticket habang nanatiling walang panalo ang Titans sa 0-9 na rekord.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with