^

PM Sports

PBA legends golf for a cause

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Impresyon ng marami na biglang yaman ang basketbolista kapag nakatungtong sa pro league.

Marami naman talaga ang gumanda ang buhay, nagkaroon ng mga ari-arian, nakapagpundar at nakapag-impok dahil sa kinita sa paglalaro sa Philippine Basketball Association.

Pero mas marami ang nakakaraos lamang dahil hindi naman lahat ay nakakakuha ng lucrative contract at hindi lahat ay sigurado ng mahabang playing years.

Meron namang nanalasa sa laki ng kita noong kasikatan pero naging bulagsak sa buhay at balik sa dati ang buhay.

Kagaya ng mga pangyayari kahit saang sirkulo, may matatandang dating PBA players na nangangailangan.

Nasa isip ito ng grupo nila Atoy Co, Philip Cezar, Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Ed Cordero, Pido Ja-rencio, Kenneth Duremdes at Art dela Cruz nang pangunahan nila ang pagtatag ng foundation na pinangalanan nilang Samahan ng mga Dating Propesyonal na Basketbolista sa Pilipinas Foundation Inc. (SDPBPFI).

Nagkaloob si UNTV owner Daniel Razon ng P1 million seed fund, at nais ng SDPBPFI na ito’y pagyamanin kaya nag-lineup na sila ng ilang fund-raising events.

“We’ve already spent some of the money by giving help. Mauubos at mauubos ito, kaya’t dapat maghanap kami ng pandagdag,” ani Co, sa pag-anunsyo ng The 1st PBA Legends Golf Tournament na nakatakda sa Huwebes sa Wack Wack.

Patuloy ang registration, kaya’t puwede pang humabol ang gustong tumulong sa grupo.

***

Nagpasiklab na naman ng galing si Ricardo “Kandong” Pabaya sa super senior basketball tournament sa Maysan, Valenzuela.

Champion ang Purok 6 team na pinangunahan ni Pabaya kasama sina Abet Matus, Erneng Candido, Pedek Sabino, Alvin Biando at Remil Barruga.

Ganado si Kandong Pabaya sa laro dahil sa inspirasyong mula sa kanyang sweetheart na si Mildred Valles Pabaya at sa mga bagay na natututunan sa mga kakosa niyang sina Odie Chua at Dennis Alemania.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with