^

PM Sports

Shadow of the Sun patok mamaya

Pang-masa

CEBU, Philippines —  Patok ang Shadow of the Sun mamaya sa Race Two sa gaganaping karera ngayon sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang naturang kabayo na sasakyan ng class A jockey na si JB Hernandez ay pagmamay-ari ng isa sa mga sikat na horse owner na si Benhur Abalos Jr.

Walang kasing patok ang nasabing tambalan dahil isa sana ito sa mga kalahok sa naganap na PCSO Maiden Race noong May 12 pero na-scratch at hindi na nakatakbo.

Bago ito,  nagtapos ang Shadow of the Sun  bilang panglima sa Trial Race PCSO Maiden noong Abril 27  at nagtala ng tyempong 1:32.4 sa distansyang 1400m pero napansin na puro salto lang ang inabot nito.

Sa naganap  na PCSO Maiden Championship Race na pinagwagian ng tambalang What An Offer at jockey JB Guce, nagtala ang pares ng    nakakagulat na 1:28” sa distansyang 1400m at masasabing malaki ang panalo nito kung hindi nagkaroon ng aberya at nakasali ito.

Kaya naman pinapaboritong manalo ang naturang kabayo dahil sa mga nakaraang ipinakita nito.

Hindi pwedeng maliitin ang PCSO Maiden Championship Race dahil ang premyo dito ay tumataginting na P780,000.00 sa mana-nalo at total prize na 1.3 milyon. - Vince ‘Palos’ Nuguid

vuukle comment

SHADOW OF THE SUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with