^

PM Sports

NCAA games kinansela

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines —  Dahil sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng malakas na ulan, kinansela ng NCAA Management Committee ang nakatakdang 6-game schedule kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinabi ni Mancom head Frank Gusi ng host University of Perpetual Help System Dalta na ang mga nakanselang laro ay irere-schedule na lang pagkatapos ng first round ng elimination.

Kabilang sa nakanselang laro ay ang laban ng Perpetual Help Altas at Arellano Chiefs at ang inaasahang mainit na laban ng magkaribal na Mapua Cardinals at Letran Knights gayundin ang laban ng San Beda Red Lions at Jose Rizal Heavy Bombers.

“Yes, postponed lahat ng laro today (kahapon). This is because we give premium to the safety of the players and the fans,” sabi ni Gusi ng host Perpetual.

Kabilang din sa mga nakansela ay ang tatlong juniors game ng Perpetual Help Junior Altas laban sa Arellano Braves; Letran Squires kontra sa Mapua Red Robins; at ang laro ng San Beda Red Cubs at JRU Light Bombers ay kasama sa ipinagpaliban na laro.

Ang desisyon ng Mancom ay medyo nahuli ng kaunti dahil nag-umpisa na ang laban ng Junior Altas at Arellano Braves kung saan lumamang na ng dalawang puntos,  21-19, ang Las Pinas-based Junion Altas ng ihinto ang laro.

Ayon kay Gusi na ang naudlot na laro ay magkakaroon ng re-play pagkatapos sa first round ng elimination.

Ito na ang ikalawang schedule ng 94th season na nakansela, ang una ay noong Hulyo 10 dahil sa bagyong Gardo.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with