^

PM Sports

Cignal-PBA Press Corpsplayer of the Week

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Cignal-PBA Press Corpsplayer of the Week

MANILA, Philippines — Pinarangalan si San Miguel center June Mar Fajardo bilang Cignal- Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Player of the Week sa gitna ng idinaraos na Commissioner’s Cup semi-finals.

Ito ay matapos magtala ang 6’10 na si Fajardo ng 21.0 puntos, 11.3 rebounds, 2.3 steals at 2.0 assists sa tatlong laro para sa Beermen mula Hulyo 9 hanggang 15.

Pride ng Pinamungahan, Cebu, binuksan ng four-time Most Valuable Player na si Fajardo ang kanyang linggo nang magbuslo siya ng 27 puntos at 13 rebounds sa 121-110 comeback win mula sa 23-puntos na pagkakaiwan ng SMB kontra sa Talk ‘N  Text sa Game 1 ng quarterfinals.

Sinundan agad ito ni Fajado ng isa pang solidong 19 puntos, 12 rebounds, apat na steals at dalawang assists sa 106-102 Game 2 win ng Beermen kontra sa KaTropa upang makaselyo ng tiket sa semi-finals.

Ayaw magpaawat, ipinapagpatuloy ng 28-an-yos na si Fajardo ang kanyang pananalasa sa semis nang maglista ng 17 puntos, siyam na rebounds at dalawang steals sa 92-79 tagumpay ng SMB kontra sa Alaska sa Game 1.

Hawak ang anim na Best Player of the Conference awards na siyang pinakamarami sa kasaysa-yan, pumangalawa lamang si Fajardo kay Alaska forward Vic Manuel sa naturang karera pagkatapos ng eliminasyon.

Ngunit ang pagpapasiklab na ito sa semifinals kontra kina Manuel at Aces ay siguradong mala-king tulong kay Fajardo upang masikwat muli ang unahan ng karera ng pinakamataas na indibidwal na parangal ngayong conference.

Ginapi ni Fajardo ang matagal ng karibal na si Greg Slaughter ng Barangay Ginebra para sa naturang Best Player of the Week award.

Kamakalawa lang ng gabi ay nagbaba si Fajardo ng halimaw na double-double na 21 puntos at 18 rebounds upang bitbitin sa 2-0 abante ang SMB.

Tatangka  sina Fajar-do at ang Beermen na tapusin na ang serye kontra sa Alaska ngayong gabi sa Game 3 sa Smart Araneta Coliseum upang makabalik sa Finals ng Commissioner’s Cup na naibulsa nila noong 2017 matapos talunin ang TNT, 4-2.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with