^

PM Sports

Pinoy goalkeeper ng WC champion France

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-uumapaw din ang Pinoy pride sa football dahil isa sa tatlong goalkeepers ng World Cup champion France ay purong Pilipino.

Ito ay si Alphonse Areola na ipinanganak sa Paris subalit parehong Pi-lipino ang kaniyang mga magulang. Pangatlo siya sa apat na magkakapatid.

Subalit malulungkot ang mga kababaihan dahil kasal na ito sa Filipina-Lebanese at mayroon nang dalawang anak na babae.

Si Areola ang pinakabatang goalkeeper ng France - kasama sina team captain Hugo Lloris na 31-anyos at Steve Mandanda na 33-anyos.

Matagumpay na nasungkit ng France ang korona ng World Cup matapos payukuin ang Croatia sa finals sa bendisyon ng 4-2 panalo.

Ito ang ikalawang titulo ng France na naghari na rin noong 1998 – dalawang taon matapos ipa-nganak si Areola.

Kasalukuyang miyembro ang 25-anyos, 6-foot-4 goalkeeper ng Paris Saint-Germain na siya ring koponan ng Brazilian superstar na si Neymar.

Bahagi rin si Areola ng France football squad na nagkampeon sa FIFA World Cup Under-20 division noong 2013.

Itinanghal itong Ligue 2 Goalkeeper of the Year noong 2014 at Eurosport Revelation of the Year sa parehong taon.

Naging UEFA Champions League Breaktrough XI din ito noong 2016 at miyembro ng Ligue 2 Team of the Season noong 2014, at UEFA European Under-19 Championship Team of the Tournament noong 2012.

vuukle comment

FIFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with