Mabagsik ang import cast ng Governor’s Cup
POINT GUARD - Nelson Beltran (Pang-masa) - July 17, 2018 - 12:00am

Maliban kay Reggie Johnson ng Rain or Shine, walang ibang bagong import na lumutang sa papatapos na PBA Commissioner’s Cup.

Mga datihang imports ang nagpasiklaban sa midseason tourney at mukhang ito rin ang mangyayari sa Governors Cup kung saan karamihan sa mga ball clubs ay sasandal sa kanilang mga old reliable reinforcements.

Nag-warm up na sa Commissioner’s Cup sina Justin Brownlee ng Barangay Ginebra, Eugene Phelps ng Phoenix Petroleum at Henry Walker ng Blackwater.

Haharapin nila sa Governors Cup ang mga dati na nilang kalaban na sina Allen Durham ng Meralco, AZ Reid ng San Miguel Beer at Romeo Travis na mula Alaska Milk ay tatalon sa Magnolia Pambansang Manok.

Isang bagong import na nakapag-warm up na rin ng isang laro sa Commissioner’s Cup na si Oluseyi Ashaolu ng NLEX.

Tested imports ang mga ito kaya’t inaasahan ang mas matinding bakbakan sa tournament na magsasara ng 2017-18 PBA season.

Habol ni Brownlee at Barangay Ginebra ang Governors Cup three-peat.

Nasa bansa na si Reid at nagpapakundisyon na para sa pagtugis sa titulo na napanalunan niya kasama ang San Miguel noong 2015.

Matatandaang winalis nina Reid at Beermen sina Travis at Alaska Aces sa kanilang 2015 best-of-seven finale.

Bumalik si Reid noong 2016 pero lumaro lang ng six games at pagkatapos ay may hinaharap problema. Hindi nasagip nina Mike Singletary at Elijah Millsap ang title-retention aspiration ng SMB.

Noong nakaraang taon, hindi rin nagtagumpay ang San Miguel Beer sa kanilang grand slam bid, kinulang ng tulong sa tatlong imports na kanilang sinubukan sa katauhan nina Wendell McKines, Terik Bridgeman at Terrence Watson.

Pero balik na nga ngayon ang matikas na si AZ Reid.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with