^

PM Sports

Greatwall, nakadehado sa 4yo & Above Stakes Race

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanalong pinakadehado ang kabayong Greatwall sa ginanap na 2018 Philippine Racing Commission 3rd Leg 4 Year Old & Above Stakes race sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park na nasa Carmona Cavite kahapon.

Naipalundag ng maayos ni jockey Danny L. Camañero ang apat na taong kastanyong kabayong inilaban ni owner Robert S. Ramirez at pumirmis lang sa mga unang bahagi ng labanan.

Umalagwa muna ang unang paboritong Salt And Pepper na dinala ni Jonathan B. Hernandez at agad naman itong hinabol ng coupled runner ng Sepfourteen na Brilliance at naroroon na rin ang Scarborough Shoal at Sky Hook.

Panandaliang naglaban sa unahan ang mabibilis na Salt And Pepper at Brilliance na si jockey Kelvin B. Abobo naman ang patong at tila nag-aabang naman ang mga Scarborough Shoal ni Fernando M. Raquel Jr. at Sky Hook na pinatungan ni Oneal P. Cortez.

Biglang inagaw ng Scarborough Shoal ang liderato sa may 3/8 tres oktabo habang pina­ngangapusan ang Salt And Pepper at Brilliance.

Sa puntong ito ay nagpaparemate rin ng malakas ang Sepfourteen sa mga kamay ni John Alvin Guce gayundin ang pinakadehadong Greatwall sa may kalabas-labasan ng racestrack.

Pagsungaw sa rekta ay namalayan na lamang ng tambalang Camañero at Greatwall na sila na pala ang nangunguna. At siya namang pag-aabang ng pagkakataon ng Sepfourteen na ginamit ang tabing balya para makasingit at maagaw ang abante.

Pero huli na ito dahil nakatawid na ng meta ang Greatwall ng may apat na horselenght at sumegundo lang ang Sepfourteen bago tersero ang Scarborough Shoal at naka-abot rin sa papremyuhan ang Salt And Pepper.

Nauna rito ay nagluko ang Hiway One na gagabayan sana ni Dominador H. Borbe Jr. Bunga ng kanyang pagluluko ay hindi na siya naisali sa takbuhan.

Ang panalo ng Greatwall ay nanga­hulugan ng P300,000 unang premyo kay Robert Ramirez. Hinablot naman ng Santa Clara Stockfarm Inc., ang runner-up purse na P112,500. Sa third placer na Scarborough Shoal ay naiuwi ng Herma Farms ang P62,500 at P25,000 pa rin naman ang napunta kay Hermie Esguerra sa kabayo niyang si Salt And Pepper.

Naorasan ng 1:33-4/5 sa distansiyang 1,500 meters ang kabayong Greatwall. JMacaraig

vuukle comment

PHILIPPINE RACING COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with