Sino ang tunay na nakinabang sa NBA free agency?
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bagama’t off-season ngayon ang NBA, nagbanggaan ang mga koponan para sa pagkakataong makakuha ng mga dagdag na piyesa para sa kanilang championship dream mula sa free agency.

Pinalad sa free agency ang mga koponang Golden State, Los Angeles, Oklahoma City at Boston na lalong pinalakas ang kani-kanilang koponan.

Kampeon ng tatlo sa huling NBA Finals kabilang na ang back-to-back championship, literal na pinalaki lalo ng Warriors ang tsansa nitong makapag-grandslam nang makuha ang top big man ngayon na si Demarcus Cousins mula sa New Orleans Pelicans.

Bagama’t kagagaling lamang sa anterior cruciate ligament (ACL) tear injury at sa Nobyembre pa inaasahang makabalik, dumagdag lang naman si Cousins sa quartet combo nina Kevin Durant, Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green upang makabuo ng five All Star-superteam ang Golden State.

Sa kabila nito, hindi rin nagpahuli ang Lakers matapos makuha ang best free agent sa market at hindi maitatangging pinakamagaling na manlalaro ngayon na si LeBron James sa isang four-year, $154-million dollar na kontrata.

At bagama’t hindi pa inaasahang magbunga agad ang paglipat ni James ay positibo ang Lakers na gaya ng pagbuhat ni James sa dating koponan na Cleveland ay kaya niya rin itong ibalik sa playoffs at Finals ang Los Angeles kung papalarin matapos maging kulelat ng limang sunod na taon.

Panalo rin ang Oklahoma City dahil nakumbinsi nitong manatili sa Thunder ang superstar forward na si Paul George kasama pa rin ang 2016 Most Valuable Player na si Russel Westbrook.

Sa kabilang banda, bagama’t walang nakuha na free agent ang Boston ay nakinabang pa rin ito dahil sa wakas ay wala na sa kanilang daan si LeBron James sa paglipat nito sa Western Conference.

Sa inaasahang pagbabalik ni Kyrie Irving at Gordon Hayward mula sa injuries upang samahan ang young core nina Terry Rozier, Jaylen Brown at Jayson Tatum ay paboritong maghari na ulit ang Celtics matapos payukurin ni James at ng dating koponan na Cavs sa dalawang sunod na Eastern Conference Finals.

Samantala, malaki naman ang nawala sa Cavaliers sa paglisan sa kaharian ni‘King’ James.

Bagama’t mas maganda ang naging hiwalayan nila ngayon kumpara noong 2010 ay malaking piraso ang nawala sa Cleveland na nakapasok sa apat na sunod na Finals kabilang na ang isang championship sa pangunguna ni James buhat nang bumalik ito sa Cavs noong 2014.

Talo rin sa free agency ang Houston Rockets dahil nawala sa kanilang puder sina key forward Trevor Ariza na lumipat sa Phoenix gayundin si Luc Mbah A Moute na tumungo sa Clippers.

Magugunitang kinapos lamang sa Game 7 ng West Finals ang Houston kontra sa Golden State kaya’t ang pagkabawas ng kanilang kawal ay nakabawas din sa kanilang tsansang makaganti sa Warriors.

Nabigo din ang New Orleans Pelicans na mapanatili ang twin tower combo nito nang iwanan ni Cou-sins ang katambal na si Anthony Davis gayundin ang Spurs na napakawalan ang beteranong point guard na si Tony Parker sa Charlotte.

Nagkampeon ng apat na beses si Parker at naging Finals MVP din para sa Spurs noong 2007 bago wakasan ang kanyang17 taong pananatili niya sa San Antonio.

Ngayon, tanging panahon na lamang ang makapagsasabi kung sino talaga ang nanalo sa free agency sa pagsisimula ng NBA Regular Season sa Oktubre.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with