Jose Rizal at Mapua magtatagpo ngayon
Francisco Cagape (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magtatagpo ang Jose Rizal University Heavy Bombers at Mapua University Cardinals sa pagpapatuloy ng “NCAA on Tour” ng 94th NCAA Men’s Basketball Tournament sa Jose Rizal University (JRU) Gym sa Mandaluyong City.

Sa unang laro, maghaharap muna ang JRU Light Bombers at Malayan Red Robins sa alas-2 ng hapon na susundan ng laban ng Heavy Bombers at Cardinals sa alas-4 ng hapon.

Ito ang unang “NCAA on Tour” sa season na ito na itutuloy sa Hulyo  19  sa  Arellano University  Gym, July 26 sa Emilio Aguinaldo College Gym,  Agosto  2 sa  Letran-Calamba Gym at sa Agosto 9  sa Perpetual Help Gym.

Ayon kay coach Vergel Meneses, nagkaroon sila ng malaking pagbabago sa team dahil apat lamang sa nakaraang taong roster  ang naiwan.

“Now, we’re rebuilding. Ang naiwan sa akin na players apat lamang from past the season. I’m not expecting too much kasi bago nga ‘yung team namin,” ani coach Meneses.

Kabilang sa mga nawala  sa JRU ay ang mga nag-graduate na  sina Ervin Grospe at Gio Lasquety habang wala na rin ang top scorer na si Teytey Teodoro na ngayon ay naglalaro na sa MPBL Datu Cup. Wala na rin sina Abdul Razak AbdulWahab, Abdel Poutouchi dahil tapos na ang kanilang eligibilty years.

Sasandal si Meneses kina dating juniors MVP Darius Estrella, Mark dela Virgin, Jed Mendoza at Aaron Bordon.

Sa panig naman ng Mapua, ipaparada ni coach Atoy Co sina Christian Bunag, Warren Bonifacio at Jasper Salanga at transferee mula sa Lyceum na si Noah Lugo.

NCAA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with