Pacquiao, Matthysse nagpasiklaban
Russell Cadayona (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa isang media workout kahapon ay kapwa ipinakita nina Manny Pacquiao at Argentinian world welterweight titlist Lucas Matthysse ang kanilang mga kondisyon apat na araw bago ang kanilang salpukan sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Unang umakyat ng boxing ring si Matthysse, nakasuot ng dilaw na t-shirt at itim na shorts, kasama si chief trainer Joel Diaz.

Bagama’t sobra sa itinakdang weight limit na 147 pounds ay kumpiyansa si Matthysse na makukuha niya ang timbang sa weigh-in sa Sabado.

Matapos si Matthysse ay sumunod naman si Pacquiao, nakasuot ng puting t-shirt na may nakasulat na Warrior na nasa pulang letra.

Bago siya magpapawis sa ibabaw ng boxing ring kasama si chief trainer Buboy Fernandez ay nagdaos muna ng isang maikling question and answer si Pacquiao.

“I have a lot of strategy but I just want to make sure that I will throw lots of left and right combinations,” wika ni Pacquiao bago magsimula ang kanyang workout.

Sinabayan ni Pacquiao sa pagbabanat ng mga kalamnan at buto ang pagpapatugtog sa mga kanta ni international singer Shakira bilang background music.

Tila ipinakita ni Pacquiao sa kanyang workout ang mga gagawin niya laban kay Matthysse sa Linggo sa Axiata Arena.

Bumitaw si Pacquiao ng mga left at right hand combinations at nagpadapo ng ilang suntok sa bodega ng malapad na si Fernandez.

Sinabi ni Fernandez na ibang Manny Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) ang makakalaban ni Matthysse (39-4-0, 36 KOs) na itataya ang hawak na World Boxing Association welterweight crown.

Sakali namang matalo sa 39-anyos na si Pacquiao ay posibleng isipin na ng 35-anyos na si Matthysse ang magretiro.

“This is his moment. This is what he’s waited for for years now and that’s all we’re concentrating on right now, is Manny Pacquiao,” sabi ni Golden Boy Promotions president Eric Gomez. 

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with