Myla Pablo
May konsolasyon si Myla Pablo
Chris Co (Pang-masa) - July 12, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasungkit ni Pocari Sweat-Air Force team captain Myla Pablo ang Most Valuable Player award sa Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Malaking konsolasyon ito para kay Pablo matapos mabigong maipagtanggol ng Lady Warriors ang kanilang korona. Minalas pa ang mahusay na outside hitter nang magtamo ito ng injury sa likod dahilan upang hindi ito makalaro sa do-or-die game ng Pocari Sweat-Air Force laban sa Creamline.

Ito ang ikalawang season MVP plum ni Pablo na siya ring nakakuha ng pinakamataas na parangal noong nakaraang taon sa Open Conference.

Maliban sa kaniyang MVP trophy, nasikwat din ni Pablo ang Second Best Open Hitter award habang pinangalanang First Best Open Hitter si Alyssa Valdez ng Creamline.

Ang iba pang awardees ay sina Creamline standouts Jia Morado (Best Setter) at Michele Gumabao (Best Opposite Hitter), Jeanette Panaga ng Pocari Sweat (First Best Middle Blocker), Joy Dacoron ng BanKo Perlas (Second Best Middle Blocker), at sina PayMaya players Lizlee Ann Pantone (Best Libero) at Tess Rountree (Best Foreign Guest Player).

Sa men’s division, napasakamay ni Marck Jesus Espejo ng Cignal ang ikalimang MVP title.

Si Espejo rin ang First Best Outside Hitter habang Second Best Outside Hitter si Fauzi Ismail ng Air Force, First Best Middle Blocker si Rex Intal ng Cignal, Second Best Middle Blocker si JP Bugaoan ng Vice Co., Best Opposite Spiker si John Vic De Guzman ng PLDT, Best Setter si Ronchette Villegas ng PLDT, at Best Libero si Rence Melgar ng PLDT.

MYLA PABLO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with