Cristiano Ronaldo at Lionel Messi
Last na ‘to sa World Cup nina Ronaldo at Messi?
(Pang-masa) - July 2, 2018 - 12:00am

ST PETERSBURG – Wala na ang mga sikat na players sa World Cup nang masibak ang mga koponan nina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo sa round of 16.

Nasibak ang Argentina ni Messi sa France, 4-3 ilang oras bago mapatalsik ang Portugal ni Ronaldo ng Uraguay, 2-1 kaya wala na ang dalawang pinakasikat na football player sa torneo.

Sa edad nina Messi, 31-gulang at Ronaldo 33-gulang, maaaring ito na ang huling World Cup ng dalawa matapos magsalitan lang sa world player of the year sa huling sampung taon.

Kung hindi na tutuloy hanggang 2022 World Cup sa Qatar si Barcelona forward Messi, dating umayaw sa Argentina team noong 2016 pero nagbago ang kanyang isip, tatapusin niya ang kanyang career na walang major trophy para sa kanyang bansa.

Pagkatapos manalo ng gold medal sa Argentina noong 2008 Beijing Olympics, marami ang umasa na madadala niya ang Portugal sa tagumpay sa World Cup o kahit man lang sa Copa America.

Sa likod ng kanyang kagalingan at mga mamahuhusay ding teammates, wala pa ring World Cup trophy ang Argentina na natalo sa Germany noong 2010 World Cup quarterfinals na naulit pa noong 2014 final sa Rio.

Kahit malungkot si Ronaldo ng Real Madrid na maagang lilisanin ang Russia, nakatikim na siya ng European Championship dalawang taon na ang nakakaraan sa France.

Si Ronaldo ang naging lider sa panalong iyon at sinabi ni Portugal coach Fernando Santos na sana ay patuloy siyang tulungan sa bagong henerasyon ng mga players.

“Certainly, yes, Cristiano still has a lot to give to football. There is a tournament in September, the UEFA (Nations League) and we hope he will be with us to help the younger ones to grow,” ani Santos ukol kay Ronaldo.

Uuwi ang dalawa na hindi pa nanalo ng knockout game sa World Cup bagama’t mataas ang expectation sa kanila.

Umiskor si Ronaldo ng hat-trick sa kanyang opening game – ang makapigil hiningang 3-3 draw sa Spain, kabilang ang impresibong late free kick para itabla ang match.

Siya rin ang umiskor ng kaisa-isang goal sa 1-0 panalo laban sa Morocco.

Ang pagbabalik ni Messi sa Russia ay di gaanong exciting dahil minsan ay parang wala siya sa wisyo at parang wala rin sa porma ang Argentina.

CRISTIANO RONALDO LIONEL MESSI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with