Prince William at Crown Prince Hussein bin Abdullah
Panalo ng England sa Panama pinanood ni Prince William kasama ang Jordan Prince
(Pang-masa) - June 26, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nang durugin ng England ang Panama 6-1 noong Linggo, kasalukuyang lumilipad si Prince William, president ng Football Association, patungong Jordan para sa kanyang makasaysayang Middle East tour.

Hindi nasaksihan ng Duke of Cambridge ang napakahalagang laro na nagtulak sa England ease sa World Cup last 16 ngunit pinanood niya ito sa replay sa bahay ng kanyang host na si Crown Prince Hussein bin Abdullah.

Nag-post ang tagapagmana ng trono ng Jordan ng mga pictures sa kanyang Instagram account noong Linggo ng gabi kung saan makikitang nanonood sila ni William ng replay ng game sa malaking flat television screen habang nakaupo sa sofa na makikita sa larawan sa itaas sa recreation room sa Beit al-Ordon, ang private residence ng Jordan royal family sa Hummar district west ng Amman.

“Having a relaxing evening with His Royal Highness Prince William, Duke of Cambridge, after his first day in #OurJordan,” ang caption ni Hussein sa Instagram.

Dumating si William noong Sabado sa Jordan bilang simula ng kanyang Middle East tour para maging unang British ro-yal na bibisita sa Israel at sa Palestinian territories.

Ang pagbisita ng second in line sa British throne ay pagkakataong maka-bonding niya si Hussein, na kapareho niyang nagtapos sa Royal Sandhurst Military Aca-demy ng Britanya.

Samantala, inaasa-hang makakasiguro na ang World Cup heavyweights na Spain at Portugal sa last 16 nitong Lunes habang sasakyan pa rin ng hosts Russia ang mainit na suporta ng kanilang mga fans sa pagharap sa  Uruguay.

Nasibak ang Spain ng ‘di inaasahan sa group stage, apat na taon na ang nakakaraan sa Brazil, ngunit nasa tamang direksiyon ang 2010 champions patungong knockout phase kahit pinalitan nila ang kanilang coach bago magsimula ang tournament.

Kailangan nilang pumuntos laban sa Morocco sa Kaliningrad para makasiguro ng qualification at nangako ang bagong coach na si Fernando Hierro na hindi niya mamaliitin ang North African side.

“We can’t afford to relax... We need to be awake with our eyes open and be aware that Morocco aren’t going to give anything away,” ani Hierro pumalit kay Julen Lopetegui isang araw bago nagsimula ang World Cup.

Haharapin ng Portugal ang kanilang dating coach na si coach Carlos Queiroz at ang Iran sa kanilang final Group B game sa Saransk.

HUSSEIN BIN ABDULLAH PRINCE WILLIAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with