^

PM Sports

Pentafecta at Super Six paghahandaan ng mga karerista

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay siguradong pagha­handaan na ng mga karerista ang kanilang tatayaan para sa gaganaping pentafecta sa unang karera bukas.

Mayroon kasi itong nabiting P28,192 at ang naturang papremyo ay idaragdag ngayon sa mga magsisitama sa kumbinasyon.

Walong kabayo ang naipasok ng karerahan ng Metro Turf, pero pito lang ang magi­ging tayaan sa takilya dahil mayroong isang coupled runners.

Ang mga tatakbo rito pati na ang kanilang mga hinete ay ang Lu­yang Cave ni M.B. Pilapil, Kissing Bandit ni R.M. Garcia, Victory Dance ni E.L. Blancaflor, Combaton ni M.D. De Jesus, Let It Go Let It Go ni J.G. Serrano, Batang Rosario ni C.S. Pare Jr., Big Mouth Bernie ni Joa Guce at Quick Lightning ni C.B. Diala.

Napipisil ng mga clockers at tiyempistas ang Victory Dance na kabayo ni Augusto S. De Jesus at kinukundisyon ni B.G.S. Lorenzo gayundin ang Combaton na inilahok ni Atty. Narciso O. Morales at inaalagaan ni R.A. Rivera at ang kakamping Let It Go Let It Go na si Rogelio J. Catajan Jr. ang nagpapaensayo.

Kasama rin sa pag-aaralan ng mga karerista ang super six event na nakalagay sa pinakahu­ling karera. Dito kasi ay may P61,951 na carry over.

Sampung kabayo naman ang nailista rito, pero siyam na numero lang sa tayaan dahil mayroong isang coupled runners.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan ng Kid Kenshin ni M.D. De Jesus, Boom Tarat Tarat ni C.B. Diala, Wall Street ni O.P. Cortez, Tablas Island ni M.B . Pilapil, Tontoneeto ni J.B. Guce, Alberto ni S.D. Carmona, Burias Island ni J.B. Senido, Bwana Miss ni E.L. Blancaflor, Proof It ni A.B. Serios at My Only Treasure ni C.P. Henson.

Pangunahing pili ng mga clockers at tiyem­pistas ang Wall Street dahil malakas na natersero ito sa pinakahu­ling takbo at ibinigay pa mandin ito sa mas malakas na hineteng si Oneal P. Cortez.

Binibigyan rin ng pansin ang Boom Tarat Tarat na isang imported runner mula sa Australia. JMacaraig

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with