Bersamina nagsolo sa ASEAN chess
MANILA, Philippines — Dinaig ni International Master Paulo Bersamina si Nguyen Duy Linh ng Vietnam para kunin ang solo lead sa rapid event ng Open Under-20 division sa ASEAN+ Age Group Chess Championships sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City kamakalawa ng gabi.
Ang panalo ang nagbigay sa 20-anyos na si Bersamina, isang two-time Olympiad veteran, ng solong pangunguna matapos talunin ni top seed John Marvin Micianosi FIDE Master Azarya Jodi Setyaki ng Indonesia.
May 6.0 points si Bersamina kasunod si Setyaki (5.5 points) sa nasabing nine-day tournament na inorganisa ng Chess Events International.
- Latest