Cavaliers positibong hindi iiwanan ni LeBron
INDEPENDENCE, Ohio — May isa pang deadline na magdedetermina sa kanyang pananatili sa Cleveland, nakikipag-usap na si LeBron James sa Cavaliers sa pamamagitan ng kanyang representatives.
Matapos ang 2018 NBA Draft ay sinabi ni Cavs general manager Koby Altman na nagkaroon siya ng positibong pakikipag-usap sa grupo ng three-time champion.
May hanggang Hunyo 29 si James para magdesisyon kung gagamitin ang kanyang US$35.6 million option para sa susunod na season o maging isang free agent.
“We continue to have good dialogue with his management team,” wika ni Altman. “I think LeBron has more than earned the right to approach his contracts the way he does. He’s done that before, so this is nothing new for us. We want to respect his space during this process and I continue to have really good dialogue with his management team as he goes through that process.”
Kabilang sa mga may interes sa serbisyo ni James ay ang Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Philadelphia 76ers.
“That’s probably all I can say at this point regarding him, but we don’t take him for granted. We love him, this city loves him. He means the world to us and this franchise,” ani Altman.
Iginiya ni James ang Clevelend sa kanilang ikaapat na sunod na NBA Finals ngayong season kung saan niya dinala ang koponang may mga injuries at nagkaroon ng roster overhaul bago ang trading deadline.
Winalis ng Golden State Warriors ang Cavaliers, 4-0, sa nakaraang NBA Finals.
At matapos ang Game Four ay sinabi ng 33-anyos na si James na kakausapin niya ang kanyang pamilya tungkol sa estado niya sa Cleveland.
Pumirma si James ng ilang short-term contracts sapul nang bumalik sa Cavaliers noong 2014 matapos maglaro ng apat na seasons sa Miami Heat.
Matapos makuha ng Cleveland ang NBA championship noong 2016 ay lumagda si James sa isang two-year contract na may option ngayong season.
Maaaring bigyan si James ng Cavaliers ng five-year, $209 million deal o posible ring piliin niya ang isang one-year contract na may player option para sa pagsalang sa free-agency market.
Sa katatapos na 2018 NBA Draft ay kinuha ng Cleveland si Alabama point guard Collin Sexton bilang No. 8 overall pick.
- Latest