^

PM Sports

Batang Gilas sasabak sa tune-up bago ang World Cup

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ligtas na nakarating ang Batang Gilas sa Argentina kahapon para sa 2018 FIBA Under-17 World Cup na nakatakda sa Hunyo 30 hanggang Hulyo 8 sa Sta. Fe at Rosario, Ar­gentina.

Ika-34 sa buong mundo, kagrupo ng Pilipinas sa Group D ang European champion at World No. 7 France, ang host Argentina (8th) at Croa­tia (10th) kung saan ang top two teams sa bawat grupo ang pa­pa­sok sa knockout quarterfinals.

Sina 7-foot-1 Kai Sotto at 6’7 Carl Tamayo ay sa­sa­mahan nina  6’8 Geo Chiu, 6’7 Raven Cortez, RC Calimag, Forthsky Padrigao, Terrence For­tea, Ger­ry Abadiano, Bismarck Lina, Migs Pascual, Ra­fael Go, Joshua Lazaro and McLaude Guadana.

Maagang dumating sa Argentina ang Batang Gilas upang paigtingin ang kanilang paghahanda sa pa­­­mamagitan ng tune-up games kontra sa Canada, New Zealand at Egypt.

Bubuksan ng Batang Gilas ang kanilang kampanya kontra sa Croatia sa Hunyo 30 at sa Hulyo 1 laban naman sa France.

Magpapahinga ang Batang Gilas sa Hulyo 2 bago labanan ang Argentina sa Hulyo 3.

Sa pangunguna ni Sotto na tinanghal na pinakamagaling na sentro ng Asya, nakapasok ang Batang Gilas sa FIBA Under-17 World Cup sa ikalawang pag­kakataon simula noong 2014 nang pumang-apat sa likod ng kampeon na Australia, China at New Zealand sa 2017 FIBA Under-16 Asia Championship sa Fo­­shan, China.

 

vuukle comment

BATANG GILAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with