^

PM Sports

Tuluy na Tuloy ang laban -- Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit ilang beses igiit ni Manny Pacquiao na tuloy na tuloy ang kanyang paghahamon kay world welterweight king Lucas Matthysse ng Argentina ay hindi pa rin nabubura ang tsismis na mababasura ito.

Ang MP Promotions ni Pacquiao ang tumatayong promoter ng laban nila ni Matthysse at sinasabing hindi umabot sa mga deadlines para sa gastusin ng nasabing laban.

Nagbigay ang MP Promotions ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) ng initial payment na $500,000 sa kampo ni Matthysse (39-4, 36 KOs) at sa Golden Boy Promotions nang magkapirmahan ng fight contract.

Ngunit ang natitira pang $2 milyon ay hindi pa rin naidedeposito hanggang ngayon para sa escrow account na magtitiyak na maisasagawa ang laban.

Sa kabila nito ay patuloy pa rin ang pagsasanay ni Matthysse sa ilalim ni trainer Joel Diaz sa Indio, California.

Itinakda ang paghahamon ng 39-anyos na si Pacquiao sa 35-anyos na si Matthysse, suot ang World Boxing Association welterweight crown, sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Samantala, nakaabang naman si Bob Arum ng Top Rank Promotions sakaling hindi matuloy ang bakbakan nina Pacquao at Matthysse.

Ayon kay Arum, kakausapin niya si Oscar De La Hoya ng Golden Boy Promotions para sa posibleng unification fight nina Matthysse at Terence Crawford.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with