^

PM Sports

BanKo Perlas kailangang manalo

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Target ng BanKo Perlas na makuha ang importanteng panalo laban sa BaliPure-National University upang maiiwas sa kumplikasyon ang kanilang pag-entra sa semis ng Premier Volleyball League Reinforced Conference.

Maghaharap sa krus-yal na laro ang Perlas Spi-kers at Water Defenders sa alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan City.

Maghaharap din ang Petro Gazz at Iriga-Navy sa alas-2 gayundin ang nagdedepensang Pocari Sweat-Air Force at Tacloban Fighting Warays sa alas-6 ng gabi.

Laglag na sa semis race ang Iriga (1-3) at Tacloban (0-3) kaya’t maiiwan ang bakbakan para sa huling dalawang Final Four slots sa BanKo (3-0), Pocari Sweat (3-1), Petro Gazz (2-1) at BaliPure-NU (1-2).

Pinakamalapit sa semis spot ang Perlas Spikers na tunay na nagniningning sa quarterfinal round matapos kubrahin ang tatlong sunod na panalo kabilang ang makapi-gil-hiningang 25-17, 23-25, 28-26, 22-25, 15-12 panalo sa Lady Oragons noong Miyerkules.

Maituturing na nagpi-peak na ang BanKo Perlas patunay ang solidong galaw ng imports kasama ang local players.

Sa katunayan, pumutok ng husto si Thai reinforcement Jutarat Montripila na humataw ng 37 puntos mula sa 31 attacks at anim na blocks.

Hindi rin maawat si American import Lakia Bright na may 24 hits at sinuportahan nina local aces Amy Ahomiro, Nicole Tiamzon at Joy Dacoron sa attack line.

“May times na nagre-relax yung mga players kaya nakakahabol yung kalaban, ‘Yan ‘yung dapat naming pagtuunan ng pansin. Sinabi ko lang na wag sila magbigay ng libreng points,” wika ni BanKo Perlas head coach Dong Dela Cruz.

Sa men’s division, maghaharap sa non-bearing game ang PLDT at Air Force sa alas-10 ng umaga.

 

vuukle comment

BANKO PERLAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with