Arwind Santos at Anthony Semerad
Santos, Semerad pinagmulta
Russell Cadayona (Pang-masa) - June 23, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines – Suwerte pa rin sina Arwind Santos ng San Miguel at Anthony Semerad ng TNT Katropa matapos magkagirian sa huli nilang laro sa 2018 PBA Commissioner’s Cup noong Hunyo 16.

Nakaiwas sina Santos at Semerad sa suspensyon, ngunit pinatawan naman ang dalawa ng tig-P20,000 multa ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Sa isang rebound play ay parehong bumagsak sa sahig sina Santos at Seme-rad sa 7:36 minuto ng fourth period kung saan tabla ang Beermen at Tropang Texters sa 83-83.

Nagsikuhan sa ulo sina Santos at Semerad na nagresulta sa kanilang flagrant foul penalty 2 at pagkakasibak sa larong naipanalo ng San Miguel laban sa TNT Katropa, 99-94.

Inaasahang papatawan din ng multa sina Beermen shooter Marcio Lassiter at Tropang Texters scorer Terrence Romeo dahil sa kanilang pormahan at tirahan sa nasabing laro.

Multang P20,000 ang ipinataw kay Tropang Texters guard Don Trollano dahil sa kanyang pagtira kay Santos na hindi nakita ng mga game officials.

Samantala, pinagba-yad naman si NLEX big man Michael Miranda ng P5,000 bunga ng kanyang flagrant foul penalty 1 kay Barangay Ginebra import Justine Brownlee sa kanilang laro sa Legazpi, Albay dalawang linggo na ang nakakalipas.

 

ARWIND SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with