^

PM Sports

Go For Gold solo pa rin

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Go For Gold solo pa rin
Dinipensahan nina Gab Banal at Kris Porter si Abu Tratter ng Marinero.
PBA Image

MANILA, Philippines — Solo pa rin sa tuktok ng team standings ang wala pang galos na Go For Gold nang daigin ang palabang Marinerong Pilipino, 93-88 sa umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Matapos lumamang ng hanggang 15 puntos sa unang bahagi ng laban, tumirik ang Scrathers pansamantala nang abutan ng Skippers sa 75-all, lagpas apat na minuto na lamang sa orasan.

Sa kabutihan palad, sumaklolo para sa kanila sina Gab Banal at Jai Reyes nang pangunahan ang 15-5 balikwas ng Scratchers para sa 90-80 kalamangan, 1:24 minuto pa ang nalalabi.

Ngunit hindi kaagad yumukod ang Skippers nang sumagot din ng 8-1 birada sa pangunguna ni Trevis Jackson upang ilapit ang iskor sa 88-91 sa huling 34 segundo bago selyuhan ng beteranong si Reyes ang laban sa parehong swak na charities.

Bunsod nito, napanatili ng Go For Gold ang malinis na 4-0 kartada papalapit sa dulo ng first round.

Nagpasiklab si Banal laban sa kanyang dating koponan na ginagabayan ng kanyang tiyuhin na si Koi at amang si Joel nang trangkuhan ang Scratchers sa 21 puntos, limang rebounds at tatlong assists.

Sumuporta naman sa kanya si Reyes sa 21 puntos, pitong assists at apat na rebounds habang may tig-11 din sina Paul Desiderio at Jerwin Gaco.

Nasayang naman ang 34 puntos ni Jackson para sa Marinero na bahagyang bumaba sa 2-2 marka.

Samantala sa unang laro ay tinambakan ng Che’ Lu Bar and Grill ang Batangas-Emilio Aguinaldo College, 78-57 para sa kanilang ikatlong panalo.

 Ito ay sa likod ng pamumuno ni Chris Bitoon na nagtala ng 19 puntos at Jeff Viernes na may kumpletong siyam na puntos, apat na rebounds, limang assists at tatlong steals para sa Revellers na umangat sa 3-1 kartada.

Nalustay naman ang 13 puntos ni Earvin Mendoza gayundin ang tig-12 puntos na ambag nina Christian Manalo at Clark Derige para sa Generals na nahulog sa 1-3 baraha.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with