^

PM Sports

Sarah suki na sa Miss Manila!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sarah suki na sa Miss Manila!
Sarah Geronimo

 Special performer si Sarah Geronimo sa coronation night ng Miss Manila 2018 sa PICC Reception Hall sa June 26, 2018.

Lucky charm na si Sarah ng Miss Manila dahil siya ang special guest mula nang i-revive ni Manila City Mayor Joseph Estrada ang nasabing beauty pageant.

Nasanay na rin ang mga Manileño na present si Sarah sa pageant night ng Miss Manila. Para sa kanila, hindi complete ang contest kapag wala ang aking favorite singer-actress.

Xian pinalitan na si Edu

Sina Xian Lim at Yassi Pressman ang mga host ng Miss Manila 2018.

Hindi si Xian ang host ng Bb. Pilipinas 2018 pero may kapalit naman ito, ang coronation night ng Miss Manila 2018.

Si Xian ang ipinalit kay Edu Manzano na suki rin bilang host ng Miss Manila pero hindi available sa June 26 dahil may conflict sa schedule niya.

Hindi puwedeng mag-absent si Edu sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN dahil importante ang role niya.

Magaling na aktor si Edu kaya hindi nakapagtataka na pinupuri ang pagganap niya bilang bise-presidente ng Pilipinas sa Ang Probinsyano.

Fans ni Alden kinilig sa sinabi ni Kris

Natuwa ang fans ni Alden Richards nang banggitin ni Kris Aquino ang name ng aktor sa presscon ng I Love You Hater noong Lunes.

Nagpasintabi muna si Kris kay Joshua Garcia bago niya sinabi ang name ni Alden na type ng TV host-actress na makapareha sa project.

Touched na touched ang fans ni Alden sa good words ni Kris para sa kanilang idol.

Hindi naman idine-deny ni Kris na favorite niya si Alden. Kabilang si Alden sa iilang personalidad na pina-follow ni Kris sa Instagram.

Ewan ko lang kung mabibigyan si Kris ng opportunity na makapareha si Alden sa pelikula o TV dahil may exclusive contract ang Pambansang Bae sa GMA 7.

Kris nagpa-Christmas sa June

Christmas in June ang sabi ng mga reporter na dumalo sa presscon ng comeback movie ni Tetay dahil worth P1 million ang mga premyo na ipina-raffle niya para sa entertainment press.

Nagpa-raffle si Kris ng mga gift certificate na P50,000, P25,000 at P10,000 ang halaga. Namudmod din siya ng mga flat TV, laptop computer, cellphone at cash.

Mga gift certificate din na worth P25,000 ang birthday gift sa akin ni Tetay na may promise na daragdagan niya kapag nag-behave ako sa kanyang hanggang sa susunod na buwan.

Nangako ako kay Tetay na magiging mabait ako sa kanya hanggang sa July para tuparin niya ang pangako na aasahan ko. Tinutulungan ko rin si Tetay  na i-promote ang comeback movie niya sa Star Cinema para hindi siya makalimot sa kanyang OPM sa akin.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with