^

PM Sports

Marian mukhang pagod pa sa ginawa nila ni Dingdong sa Palawan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Marian mukhang pagod pa sa ginawa nila ni Dingdong sa Palawan
Marian Rivera

Fresh na fresh ang dating ni Marian Rivera sa presscon ng first anniversary celebration ng OFW docu-drama na Tadhana. Espesyal ang episode sa June 23 dahil siya ang gaganap sa kuwento ni Jackie at si Dingdong Dantes ang direktor niya.

Kagagaling lang ni Yan sa El Nido, Palawan kung saan sinelebreyt nila ang Father’s Day at binigyan ng sorpresa si Dong. Naging vi­deographer pa nga ang anak nilang si Zia habang naglalambingan sila by the beach.

Nakailan sila ni Dong?

“Alin ang nakailan?” tanong ni Yan.

‘Yung punta nila sa Palawan?

“Kayo talaga! Pag may time,”  tugon niya.

Ayon kay Yan, after ng kasal nila ni Dong eh pumasyal sila sa Palawan. Nag-taping din sila ng Dyesebel.

“Itong asawa ko kasi, kung anu-ano ang pinagpu-post! Ha! Ha! Ha!” wika ng host ng Tadhana.

Sa Instagram pictures nilang mag-asawa, non-stop talaga ang kaswitan nila.

“Ganoon naman talaga dapat ang mag-asawa, hindi ba? Especially kapag may bunga ang pagmamahalan ninyo. Dapat mas lalo kayong nagmamahalan. Iniintindi ang isa’t isa. Mas ila-love n’yo ang isa’t isa.

“Ganoon din ako sa kanya pero alam naman niya na ang atensyon ko ay na kay Zia. Pero pareho naman sila siyempre. Kumbaga, first baby ko siya, pangalawa si Zia,” rason ni Marian.

So may nabuo ba sa Palawan?

“Ha! Ha! Ha! Ano ba kayo? Nakakaloka kayo! Basta siyempre, hindi ko naman dinidenay na trying naman kami. Basta nag-two years old na si Zia eh try na. Siguro, good enough na ang distance nila, ‘yung space para puwede na uli,” rason niya.

Kaya pala parang pagod siya sa mga pictures, huh!

“Hoy, hindi, huh! Kaming tatlo lang ang nandoon! Wala kaming ibang kasama,” sey ni Marian.

Wala ba silang moment na silang dalawa lang ni Dong?

“Pag tulog si Zia! Ha! Ha! Ha!” sabi niya.

Basta sa episode ng Tadhana, todo-iyak si Marian sa halos lahat ng eksena at pasado ang natuwa siya dahil pinapurihan siya ni Dong sa pag-deliver niya sa role ng isang OFW dumanas ng hirap para sa iniwang pamilya.

Mga kandidata sa Miss Manila pang-Bb. Pilipinas at Miss World ang level

Level Up na sa kagandahan at kaseksihan ang 32 candidates para sa Miss Manila 2018. Puwede na silang makipagsabayan sa mga kandidata na sumasali sa ibang pageant gaya ng Bb. Pilipinas, Miss World PH at iba pa, huh!

Nasa ikalimang taon na ang Miss Manila na joint project ng City of Manila at MARE Foundation sa pakikipagtulungan sa Viva Live. Bahagi ito ng selebrasyon ng Araw ng Maynila at ang proceeds ng pageant ay mabebenipisyuhan ang MARE Foundation na pinamumunan ni Jackie Ejercito na siya ring Pageant Director.

Gaganapin ang grand coronation night sa June 26 sa PICC, Reception Hall at ang TV airing ay mapapanood sa July 1 sa ABS CBN’s Sunday’s Best.

Ang 32 candidates ay maglalaban-laban sa premyong P1M worth of prizes (P500,000.00 cash plus Viva Management contract worth P500,000.00) habang ang P350,000.00 para sa first runner up, P250,000.00 para sa second runner up, P150,000.00 cash for 3rd runner up, at P100,000.00 cash for 4th runner up.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with