^

PM Sports

Halaga ng suot ni Kris sa presscon kasing presyo ng 3-bedroom condo sa Rockwell!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Halaga ng suot ni Kris sa presscon kasing presyo ng 3-bedroom condo sa Rockwell!
Kris Aquino

Hulaan n’yo kung magkano ang inabot ng kabuuang halaga ng suot ni Kris Aquino sa katatapos lang na presscon ng soon-to-be released movie nilang I Love You, Hater nina Joshua Garcia at Julia Barretto?

Ang black top with coat at pants with slit na may mga kumikinang-kinang na adorno na ayon sa kanya ay idinisenyo at tinahi raw exclusively for her ng isang may pangalang designer, maging ang pares ng imported high heels at ang kanyang mga alahas na very genuine ay talagang nagningning.

Well, aabot daw sa milyon ang kabuuan ng gamit niya. Puwede na itong ipambili ng three bedroom condo unit na furnished na sa Rockwell.

Kahit pa mukhang nagnenegosyo na rin si Kris ngayon, mananatili pa ring showbiz ang top priority niya.

Inamin ni Kris na ang kanyang bagong talent manager na si Erickson Raymundo, head ng talent management ng Cornerstone ay nakikipag-usap na sa isang producer para sa posibilidad ng paggawa niya ulit ng isa pang pelikula, soon.

Ang I Love You Hater ay mula sa produksyon ng Star Cinema at idinirek ni Giselle Andres.

Mga anak ni Ronnie walang interes sa showbiz

Mga dalaga na ang mga anak nina Ronnie Ricketts at Mariz na sina Rachelle Mae at Marella Rosabelle. Parehong mukhang artistahin, magaganda, may height at tamang tama ang pangangatawan. Pero, obvious naman na walang balak ang magkapatid na sundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

Bago mawala si Ronnie sa eksena ng showbiz, nakilala muna siya bilang action star at producer.

Naging presidente rin siya ng samahan ng mga artista, ang Actors Guild of the Philippines.

Naging chairperson din si Ronnie noon ng Optical Media Board, isang govern­ment office na may layuning sugpuin ang mga fake videos, recording at films na mataas ang bilang noong 90’s nang masangkot siya sa isang kontrobersiya. Ito ang naging dahilan para masuspinde siya. Simula noon ay wala nang narinig sa kanya, hanggang nitong nakaraan nga lang ay napabalitang magbabalik-pelikula itong si Ronnie bilang aktor, direktor at producer.

Well, welcome back, Ronnie.

Mga anak ni Maricel kinalimutan na ang apelyido ng mga tatay

Tanong lang Salve A.? nagkikita pa kaya sina Ronnie at ang adopted son nila ni Maricel Soriano na kanilang inampon noong kabataan pa nila at in love pa sa isa’t isa?

Marron ang pangalan ng ampon nilang ito, (kumbinasyon ng first syllable ng pangalan nina Maricel at Ronnie), lumaki ang batang ito kay Maricel na sa tantya ko ay nasa late 20’s na ngayon.

May isa pang anak si Maricel, si Tien (Sebas­tien) na nasa mid 20’s naman, na ang tatay ay si Cesar Jalosjos mula sa prominenteng pamilya ng Jalosjos sa Zamboanga City.

Ang dalawang anak daw na ito ni Maricel ay parehong surname niya ang ginagamit.

Sayang nga lang at kung sino pa ang kaisa-isang lalaking pinakasalan niya noong 1989 na si Edu Manzano, doon naman siya hindi nagkaanak.

Naghiwalay din ang dalawa noong 1991.

Si Edu ngayon ay may tatlong anak, ang una ay sa kanyang unang asawa na si Vilma Santos (kasal na ngayon kay Senator Ralph Recto), si Luis Manzano at ang dalawa ay anak niya kay Rina Samson, sina Enzo at Addie.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with