^

PM Sports

Chan nakuha ng Ginebra

Russell Cadayona - Pang-masa
Chan nakuha ng Ginebra
Jeff Chan

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagkabuhay ng kanilang tsansa para sa isa sa walong tiket sa quarterfinal round ng 2018 PBA Commissioner’s Cup ay hinugot naman ng Barangay Ginebra si veteran sniper Jeff Chan mula sa Phoenix.

Para mahugot ang 34-anyos na si Chan ay ibinigay ng Gin Kings sa Fuel Masters ang kanilang first-round pick sa darating na 2018 PBA Rookie Draft.

Inaprubahan kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial ang naturang trade dalawang araw matapos magpasabog ang dating Far Eastern University  star ng 26 points sa 106-108 kabiguan ng Phoenix laban sa Rain or Shine.

Inamin ni Ginebra head coach Tim Cone na ilang buwan niyang ipinagdarasal na matuloy ang naturang trade.

“We’ve been targeting him for months now because we’ve always seen him as a guy who can lift us to a higher level,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion mentor kay Chan.

Ang Gin Kings ang magiging ikaapat na PBA team ni Chan, hinirang na No. 17 overall pick noong 2008 PBA Rookie Draft.

Nagtala si Chan ng mga averages na 11.5 points, 4.4 rebounds, 4.1 assists at 1.2 steals para sa Fuel Masters.

Kumpiyansa naman si Phoenix coach Louie Alas na makakakuha sila ng mahusay na rookie bilang kapalit ni Chan.

Sa 2018 PBA Rookie Draft ay inaasahang makakapili ang Fuel Masters sa hanay nina Asean Basketball League standouts MVP Bobby Ray Parks, Jr., Lawrence Domingo at Fil-American playmaker Jason Brickman bukod pa kina NCAA MVP CJ Perez ng Lyceum Pirates at Robert Bolick ng San Beda Red Lions.

vuukle comment

JEFF CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with