^

PM Sports

Abueva mananatiling suspendido

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Abueva mananatiling suspendido
Calvin Abueva

MANILA, Philippines — Mananatiling suspendido si Calvin Abueva sa ngayon ayon kay head coach Alex Compton sa kabila ng krusyal na kampanya ng Alaska sa umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup.

Iyan ang inamin ni Compton kamakalawa ng gabi kasunod ng masaklap na 74-89 kabiguan nila kontra sa mainit na Meralco squad na pumatid sa kanilang pitong sunod na panalo.

“The word hasn’t changed. Indefinite means indefinite. It means not forever. ‘Maybe’ that’s what it means,” ani Compton na makailang ulit na idinaing ang suporta sa kanyang prized forward.

Magugunitang noong Hunyo 9 ay ibinaba ni Alaska team owner ang desiyon na indefinite suspension sa star player na si Abueva bunsod ng ‘di pagpapakita at pagpaparamdam sa team buhat pa noong PBA All Star break.

Hindi nagparamdam si Abueva sa koponan dahil sa personal na problema na naging dahilan din ng hindi niya pagdalo sa laban ng Alaska kontra sa Globalport noong Hunyo 2.

Sa kabuuan ay apat na laro na simula noon ang hindi nalaruan ni Abueva at hanggang ngayon ay wala pa ring linaw kung kailan babawiin ang kanyang indefinite suspension bagama’t papalapit sa dulo ng eliminasyon ng mid-season conference.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Compton na kakausapin niya ang Alaska management ukol sa sitwasyon ni Abueva.

“We’ll see as I talk to the management,” aniya.

Bagama’t suspendido sa koponan, binuksan naman ng Alaska ang posibilidad na maglaro pa rin si Abueva sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas na naging aktibo naman siya sa pagsasanay nitong nakaraang linggo.

“He’s getting ready for Gilas. We didn’t stop him from playing from Gilas. We didn’t’ want to get in the way of the national team so we have to get ready for that,” dagdag ni Compton.

Kasalukuyang nasa gitna ng preparasyon ang Gilas para sa nalalapit na kampanya nito sa third window ng 2019 International Basketball Federation (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.

Tangan ang 7-2 kartada, katabla ngayon ng Alaska ang Meralco para sa ikalawang puwesto at nanatiling buhay ang pag-asang maselyuhan ang isa sa twice-to-beat incentives papasok sa huling dalawang laro nila.

vuukle comment

CALVIN ABUEVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with