^

PM Sports

Meralco tuloy ang pananalasa

Russell Cadayona - Pang-masa
Meralco tuloy ang pananalasa
Si Chris Newsome ng Meralco laban kay Chris Exciminiano ng Alaska.
PBA Image

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagpigil sa seven-game winning streak ng Alaska ay itinuloy ng Meralco ang kanilang pananalasa sa apat na sunod.

Anim na players ang umiskor ng double digits para banderahan ang Bolts sa 89-74 pagpapatumba sa Aces sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Tumapos si 2017 PBA Rookie of the Year Chris Newsome na may 18 points at 8 assists para sa pagsosyo ng Meralco sa Alaska sa ikalawang puwesto sa magkatulad nilang 7-2 kartada na nagpasikip sa labanan sa dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa eight-team quarterfinals.

Nagdagdag sina Jared Dillinger at Baser Amer ng tig-17 markers habang tumipa sina import Arinze Onuaku, Niño Canaleta at Ranidel De Ocampo ng 14, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod.

“We had balanced scoring. A lot of guys contributed offensively,” sabi ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black, nakahugot kay Onuaku ng 23 rebounds.

Naging maigting ang bakbakan sa first half kung saan tinangay ng Bolts ang one-point lead, 41-40 sa halftime bago kumamada ng 20-9 atake para ibaon ang Aces sa 61-49 sa 4:50 minuto ng third quarter.

“We knew that they’re gonna come and they’re gonna play hard that’s just how Alaska is. We knew that they’re gonna pressure us a lot and we just have to take care of the ball,” ani Newsome.

Ang slam dunk ni Onuaku ang nagbigay sa Meralco ng 17-point lead, 70-53 sa huling 1:34 minuto ng naturang yugto hanggang makalapit ang Alaska sa 65-73 sa 9:30 minuto ng fourth period.

Ngunit gumanti ang Bolts ng 9-0 bomba mula sa four-point play ni Amer, drive ni Onuako triple at salaksak ni Dillinger para ilista ang 84-65 kalamangan sa huling 6:41 minuto ng laro.

vuukle comment

CHRIS NEWSOME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with