Kinuyog si Jerwin Gaco ng Go for Gold nina Gilles Oloume at Keanu Caballero ng CEU.
PBA Images
Scratchers diretso sa tatlo
Andrew Dimasalang (Pang-masa) - June 15, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala pa rin galos ang Go For Gold sa tatlong salang nang daigin ang Centro Escolar University, 92-83, sa umiinit na 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Foundation Cup kaha­pon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nasa unahan lamang ng dalawang puntos, 31-29, pagkatapos ng unang kanto, umalagwa sa se­cond period ang Scratchers para itayo ang 52-43 kalamangan pa­pasok ng halftime.

Hindi na lumingon pa ang Go For Gold bu­hat doon nang palobohin pa ito sa 92-77 sa du­long bahagi ng laro pa­ra sa isa na namang kumbinsidong panalo.

Giniyahang muli ni Gab Banal ang atake ng Scratchers mula sa kan­yang double-double na 21 puntos at 10 rebounds bukod pa ang 3 assists at 2 blocks.

Ngunit ang bagong man­lalaro na si Vince To­lentino ang naging pang­gulat ng Go For Gold matapos magliyab ito sa 20 puntos, anim na rebounds at limang assists.

Naging mainit ang laban sa huling kanto nang biglang batuhin ng bola ni Orlan Wamar ng CEU si Chris Porter bago naawat ng mga kakampi.

Parehong binigyan ng technical fouls ang dalawa.

Sa kabila nito, tumikada pa rin ng 17 puntos si Wamar upang trangkuhan ang Scorpions na nalasap ang ikalawang sunod na pagkatalo.

Samantala sa unang laro, sinikwat naman ng Che’Lu Bar and Grill ang ikalawa nilang sunod na panalo matapos ibaon ang AMA Online Education, 111-95.

Trinangkuhan ni Chris Bitoon ang balanseng atake ng Revellers sa likod ng kanyang all-around performance na 23 puntos, pitong rebounds, limang assists at tatlong steals.

Sumuporta naman sa kanya sina Jessie Cola­do, Jason Melano at Jeff Viernes sa itinalang 19, 18 at 12 puntos, habang may double double na 13 puntos at 13 boards si JayR Taganas.

Nalustay ang 24 puntos at walong rebounds gayundin ang 15-13 double-double ni top pick Owen Graham para sa Titans na nalugmok sa 0-3.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with